^

PSN Showbiz

Katamaran ng aktres, pinagsawaan ng mister na aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakalaki ng ipinuhunang pagmamahal, pang-unawa, pagtitiyaga at pagsasakripisyo ng isang male personality sa kanyang misis. Sobra-sobra pa ‘yun sa kailangan.

Sabi nga ng aming source, para mapagtiyagaan ng lalaki ang ugali ng babae ay kailangang may nakareserba siyang tiwa-tiwayway na pang-unawa, dahil kung wala ay siguradong hiwalay na sila sa mga unang buwan pa lang ng kanilang pagsasama.

Simulang kuwento ng aming impormante, “Ibang klase ang female personality. Mahirap siyang unawain. May sarili siyang mundo, kung ano ang maisipan niya, hindi mo ‘yun mababali.

“Saan ka naman makakakita ng misis na hanggang hapon, e, natutulog? Nagawa na ng mister niya ang lahat-lahat, naasikaso na ang mga kailangan ng mga anak nilang nag-aaral, pero sarap na sarap pa rin siya sa pagtulog?

“Baligtad ang scenario, instead na siya ang mag-asikaso sa mag-aama niya, e, puro pasarap lang sa buhay ang pinaggagagawa niya,” naiinis na kuwento ng aming source.

Bandang alas tres na babangon ang female personality, maliligo ito at kakain, pagkatapos ay manonood naman ng mga pelikula sa mga banyagang channel.

Sabi uli ng aming source, “Wala na sa house nila ang male personality, nagtatrabaho na, nagte-taping o nagsyu-shooting na. Darating ang mga anak nila mula sa school, walang pagkain, hindi kasi marunong magluto ang girl.

“So, ang gagawin niya, e, tatawag na lang sa restaurant na suki nila, magpapa-deliver siya ng lutong food para sa kanilang mag-iina. Palaging ganu’n, sanay na sanay na ang mga anak nila sa pagkaing galing sa iba-ibang restaurant.

“Napakahabang panahon ang ipinagtiis ng male personality sa wife niya, napakatiyaga niya, kinaya niyang pakisamahan nang mahabang panahon ang wife niya na walang alam sa buhay!

“Masisisi ba natin siya kung humanap na siya ng iba? Nasagad na kasi ang pasensiya niya, ang kapaguran niya, hindi na niya kakayanin pang bigyan ng extension ang pakikisama sa isang babaeng ipinaglihi sa pagong sa sobrang kakuparan!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

BB kung sinu-sino na ang kinakaladkad, Piolo walang planong mag-react

Nakapagitna ngayon si Rustom Padilla sa reyalidad at ilusyon. Napakalaki ng pagkakaiba nu’n. Ilusyon ang tawag sa mga pangyayaring kathang-isip lang.

‘Yung gustong mangyari ng tao sa totoong buhay pero walang pagkakataong maging totoo, imposible, kaya para pasayahin ang kanyang sarili ay idinadaan na lang niya ‘yun sa pag-iilusyon.

Wala kaming inaasahang anumang komento mula kay Piolo Pascual. Kinaladkad man ni Rustom na matagal nang nakalibing ang kanyang pangalan ay hindi ‘yun pagsasa­yangan ng laway ng aktor.

Ang dati pa rin niyang katwiran ang pinaiiral ni Piolo, dahil madalas niyang sabihin, “Anuman ang sabihin ko, people will not believe me. Kung ano pa rin ang gusto nilang paniwalaan ang mangyayari. So, what’s the use of explaining?”

‘Yung mga panahong tinutukoy ni Rustom sa kanyang pag­lilitanya ay kasagsagan ng kasikatan ng loveteam nina Piolo at Judy Ann Santos.

Nabanggit ni Rustom ang mga pangalan ng mga perso­nalidad na kasama nila ni Piolo, nandu’n ang namayapa nang si Mama Alfie Lorenzo na manager ni Juday, at iba pang mga artista.

Sa dami nilang magkakasama, wala man lang nakahalata na nawawala sila nang sabay ni Piolo? At si Mama Alfie, hindi ito nakapagpipigil ng dila kapag meron itong kuwento, siguradong lulutang at lulutang ang mga kuwento ni Rustom sa kanyang vlog kung may katotohanan ‘yun.

Maraming galit na galit ngayon kay Rustom Padilla, ibang klase raw ang baklang ito, para lang magtagumpay ang kanyang You Tube vlog ay hindi bale nang mambulabog ito ng buhay ng mga taong nananahimik.

At ano kaya ang reaksiyon ng pamilya ni Rustom Padilla na matagal nang ibinaon sa limot ni BB Gandanghari? Totoo ang komento ng mga nakakausap namin na lumalambot man ang loob ng kanyang ina at mga kapatid ngayon para tanggapin na ang kanyang pagbabagong-anyo ay siguradong titigas na naman dahil sa mga kahihiyang pinalalaganap nito.

Ang lahat ng mga pagpapansing ginagawa ngayon ni Rustom Padilla na muling ibinangon mula sa hukay ni BB Gandanghari ay isa lang ang dahilan.

Matinding kalungkutan at depresyon. Magtatarang man si Rustom at magpapadyak sa sahig bilang tanda ng kaligayahan ay peke lang ‘yun. Gawa-gawa lang bilang pagtatakip sa tunay nitong emosyon.

Nagsasalita ang katotohanan na talikuran man tayo ng buong mundo, kung kakampi natin ang ­ating pamilya, ay bumubukal pa rin ang kaligayahan sa ating puso.

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with