^

PSN Showbiz

Aktres ayaw mag-sorry sa bagitong aktor na ‘winasak’ ang career

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matinding problema ang ibinigay ng isang kilalang female personality sa isang bagito pa lang na aktor nu’n. Nakawala sa kanyang mga kamay ang isang malaking pelikula, pinalitan siya ng ibang artista, dahil sa kontrobersiyang kinapalooban niya.

Sinong prodyuser pa ang mamumuhunan para sa isang pelikulang may anak na pala ang lalaki, sino ang kikiligin sa pelikula nila ng kanyang ka-loveteam, kinailangan siyang palitan na ikinaganda ng kabuhayan ng pumalit sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Matindi ang opportunity na ninakaw sa male personality ng babaeng ‘yun! Maganda na ang mga plano, ilo-launch na ang career ng guy, pero nabulilyaso pa!

“Nakakalungkot ang nangyari sa bagets actor, ilulunsad na ang pelikula nila ng young actress, pero dahil sa pasabog ng female personality na siya ang ama ng paglobo ng kanyang tiyan, nagpa-audition ng kapalit ng bagets ang production!” unang sultada ng aming source.

Katakut-takot na paghusga ang inabot ng bagets actor, lalo na mula sa poder ng babae, wala raw siyang paninindigan.

Patuloy ng aming source, “Nakakaawa ang bagets! Ipinagpipilitan kasi ng girl na siya ang ama ng sanggol, inupakan siya agad-agad, lalo na nu’ng mudra ng girl!

“Natural, walang magawa ang bagets, alam niya na hindi naman siya ang tatay ng bata, pero ano ang laban niya sa nag-uumiyak na girl na kiyemeng iniwan siya sa gitna ng laban ng young actor?

“Heto na. Pagkatapos siyang husgahan ng buong mundo, e, lumabas din ang katotohanan na hindi naman pala siya ang tatay! Ibang lalaki, karelasyon din ng girl habang magkarelasyon din sila!

“At ang nakakalungkot pa, hanggang ngayon pala, e, hindi pa nagso-sorry sa kanya ang girl na nakakailang karelasyon na! Waley!

“Pagkatapos siyang isumpa-sumpa at sabihang walang balls, e, wala naman pala talaga siyang kaila-ngang panagutan, pero kahit sorry na nga lang, e, wala?

“Nakakaawang bagets actor, nawalan ng career, naudlot ang pangarap na sumikat, dahil sa mga bintang sa kanya na malayo naman pala sa katotohanan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

BB ayaw tantanan si ‘Piolo’

Hindi maayos ang pagkakabalangkas ng YouTube vlog ni BB Gandanghari. Palundag-lundag ang kanyang paksa. Hindi maganda ang pagkakatahi-tahi ng mga eksenang tinutukoy niya.

Kumbaga sa pelikula ay mahina ang kanyang film editor. Magulo, masalimuot, nadudulas pa ang kanyang dila paminsan-minsan sa kanyang pagsasalaysay.

Kung bakit napakatabil ng dila ni BB Gandanghari na muling binuhay ang matagal niya nang pinatay na si Rustom Padilla ay siya lang ang tanging nakakaalam ng dahilan.

Ikasampung buhos na pala ang pinakahuli niyang vlog na binigyan niya ng titulong “I Left My Heart In San Francisco.” Kopya sa isang klasikong piyesa.

Hindi nagtagumpay si Rustom na itago ang pagkakakilanlan ng sinasabi niyang Jonathan sa kanyang paglilitanya. Hindi tayo tanga. Lalong hindi tayo ipinanganak kahapon lang.

Ang take-off ng kanyang kuwento ay si Piolo Pascual na nakasama niya nang ilang araw sa San Francisco para sa isang dulang pang-entablado. Du’n pa lang ay nagbigay na siya ng clue sa kung sino ang Jonathan na produkto ng kanyang kathang-isip.

‘Yun kasi ang kanyang segue. Hindi ka maliligaw. Si Jonathan na inilarawan niyang malandi, mahilig, mainit. Si Jonathan na inamin niyang pumukaw sa kanyang kumpirmadong kabaklaan.

Walang hindi mag-iisip na si Piolo si Jonathan. Si Jonathan na ilang ulit niyang nakahalikan, naka-yakapan at malapit na silang dumating sa sukdulan ng kaligayahan, kung hindi lang sila nakapagpigil.

Natural lang na magmaang-maangan ngayon si BB Gandanghari. Makakaisip siya ng mga palusot. Wala siyang binanggit na si Piolo si Jonathan sa kanyang kuwento.

Pero inuulit namin, huwag niyang gawing tanga ang buong mundo, huwag na huwag. Maaaring meron siyang mailigaw na ilan, pero hindi lahat, dahil nadudulas siya sa pagbanggit sa pangalan ni Piolo paminsan-minsan.

Nakakaawang Piolo Pascual. Una ay si Mark Bautista sa librong sinulat nito. Ngayon naman ay si Rustom Padilla sa kanyang pagsasalaysay.

Sino pa ang susunod? Sino uli ang kinukuwestiyon ang kasarian (lantad na si BB Gandanghari) na magsasabing nagkaroon sila ng nakaraan ni Piolo Pascual?

vuukle comment

BB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with