^

PSN Showbiz

JK, nagpapakontrobersiyal?!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
JK, nagpapakontrobersiyal?!
JK

Maraming fans at followers ng social media account ng singer na si JK Labajo ang nalungkot nang tila magpaalam ito sa kanyang Instagram account.

Binura ni JK ang lahat ng pinost niya sa kanyang real Instagram account at nag-iwan lang siya ng isang photo na may caption na, “Matagal akong mawawala. Salamat. Ingat. Hanggang sa muli. Paalam.”

Pati ang kanyang profile photo sa Instagram ay pinalitan niya ng black photo. Ibig lang sabihin nito ay mag-o-offline muna ang singer ng hit single na Buwan.

Nagulat ang maraming followers sa naging desisyon ng 19-year old singer. Wala raw ibang explanation na binigay si JK at basta na lang nagpaalam.

May ibang fans na ang iniisip ay baka gimik lang ito ni JK dahil may ilalabas ito na bagong single na kasing-lakas din ng Buwan. Maganda raw kasing titulo ng song ang Paalam.

Pero may iba naman na nami-miss si JK kahit na naging kontrobersyal ito noong nakaraang taon dahil sa naging alitan nila ng singer na si Darren Espanto.

Samantalang naglabas si JK ng official lyric video ng single niya titled Bless U na puwedeng mapanood sa YouTube.

Kris maraming kailangang gastusan

Hindi raw priority ni Kris Bernal at ng kanyang fiancé na si Perry Choi ang nagpakasal dahil sa kasalukuyang COVID-19 pandemic.

Naikuwento ni Kris na dapat ay magaganap ang wedding nila ni Perry sa kalagitnaan ng 2021. Pero mukhang hindi nila ito ipu-pursue dahil naisip nilang mas marami silang kailangang pagkagastusan kaya ipagpapaliban muna nila ang pagpapakasal.

Isa sa priority nila ay ang pagpapagawa ng kanilang bahay. Gusto raw nila na may bahay na sila bago sila magpakasal.

“Next year pa talaga siya. I guess ang pinakaproblema talaga is the construction of the house kasi we wanted our own house before getting married. Parang gusto namin kapag kinasal kami may uuwian kaming bahay na sarili namin,” diin ni Kris.

Dahil din sa pandemic, marami raw naiba sa lifestyle ngayon ni Kris. Hindi naman niya tinatago na nag-struggle siya ng ilang buwan dahil sa lockdown na nakaapekto ng malaki sa restaurant business nila ni Perry. Kasabay pa nito ang walang taping ng ilang buwan. “Nagkaroon ako ng struggle kasi sanay akong nagtatrabaho sa labas. Mga taping natin sa labas, puyatan. Hindi ka na nga makauwi minsan. Pero nu’ng pagtagal since nag-focus din ako sa businesses ko, pinalakas ko online, naging busy din ako. Naging productive din ‘yung days ko, ‘yung mga sumunod nang months. So, nasanay na din ako ngayon,” sey pa niya.

Ikinatuwa naman ni Kris na nakapag-taping na siya ulit para sa Wish Ko Lang na pinalabas noong nakaraang Sabado.

BTS, kinabog sina Cardi B at Megan Thee Stallion sa Hot 100

Muling nagtala ng history ang Korean boy band na BTS dahil sa pagiging number one sa Billboard Hot 100 songs ng kanilang bagong released na all-English language single na Dynamite.

Kinabog nga ng Dynamite sa number spot ang WAP nina Cardi B at Megan Thee Stallion na two weeks nag-number one.

Ang BTS na binubuo nina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V and Jungkook ay ang first all-South Korean group to lead the Hot 100, ayon sa Billboard. Noong ni-release sa YouTube ang music video ng Dynamite noong August 21, naging biggest first-day debut ito ng isang musical group.

Last March ay umabot sa number 4 ng Billboard ang hit single nila na On.

Sa nakaraang MTV Video Music Awards, humakot ng apat na awards ang BTS, kabilang na ang Best Pop Video for Dynamite.

Ire-release din ng BTS ang 5th studio album nila bago natapos ang 2020.

“We’re really in the middle of the process, getting tracks, writing lyrics and recording some raps and vocals. You won’t be disappointed. Yep, coming out of this year. We’re doing our best as always so we can bring better results. We participated more this time around. A lot of our members participated in the production process so you can really look forward to it,” sey ng BTS.

Ngayong September ay ipapalabas din ang documentary film ng BTS na Break The Silence: The Movie kung saan ipapakita nila ang behind-the-scenes ng kanilang 2018–2019 Love Yourself World Tour.

vuukle comment

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with