^

PSN Showbiz

Serye nina Richard at Bea, nagkalat ang fake teaser

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, naloka ako sa ipinadalang video sa akin ng isang fan. “Teaser” daw ‘yon ng bagong teleserye nina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Jameson Blake, Christian Bables at Bea Alonzo, ang Kahit Minsan Lang.

Malinaw sa voice over na ngayong Setyembre raw ‘yon.

Ipinakita rin sina Edu Manzano, Dawn Zulueta, Isabelle Daza, Roxanne Barcelo, Jennica Garcia, Ana Abad Santos, Nonie Buencamino at Helen Gamboa sa “teaser” na ‘yon.

Ang nakakaloka, naniwala ako na galing nga mismo ‘yon sa ABS-CBN.

Pero nang kausap ko si Annabelle Rama kahapon, sabi ko sa kanya, “May teaser na pala ‘yung teleserye nina Richard at Bea. Ipapalabas na raw sila this month.”

Parang nagulat si Bisaya na “ipapalabas” na ang teleseryeng ‘yon.

Ang sabi niya, magla-lock-in na nga raw si Richard sa FPJ’s Ang Probinsyano at saka pa raw magte-taping sa teleserye nila nina Bea.

Pero dahil parang nagulat nga si Bisaya, tinanong ko ang isang taga-Star Creatives, ang unit ng Kapamilya network na namamahala ng nasabing teleserye. Ipinadala ko rin sa taong tinanong ko ang “teaser” na ‘yon at sumagot naman ito pagkatapos na mapanood ‘yon. “Hi, Jun. Hindi kami ang may gawa niyan. Hahaha. Galing, ah! Wala pa kami launch date. Ginamit diyan some clips we used sa trade event noong January.

“Pati ‘yung voice over, hindi lahat galing sa ipinalabas namin sa trade launch. I think they re-edited that.

“Galing sa ibang shows o plugging ‘yung voice over at ‘yung ibang videos.

“Pero ang galing, pero hindi totoo ‘yan!” sabi ng kausap ko.

‘Kaloka lang, Ateng Salve, talagang nag-effort ang gumawa ng fake teaser na ‘yon ng Kahit Minsan Lang, huh!

Pinagtiyagaan talaga, kaya naman maraming mga fan ang naniwala at inakalang totoong ipapalabas na nga ang teleseryeng ‘yon.

Naku, natawa na lang ako after, huh!

Anyway, nabanggit nga pala ang lock-in ng FPJ’s Ang Probinsyano, this weekend na ‘yon magaganap at start na sila kaagad ng taping dahil last Monday ay new episode na uli ang napapanood sa kanila.

Edu pinakabida sa Mamasapano movie

Kahit wala pa ring vaccine sa COVID-19, marami na talagang showbiz projects ang nag-start at mag-i-start ng tapings at shootings.

Sabi ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio, tuloy na tuloy na raw ngayong second week of September ang shooting ng Mamasapano movie na ipo-produce niya.

Sa Batangas at Pampanga raw ang locations nila.

Feeling ko ay hindi isang beses lang na magla-lock-in ang cast, staff and crew dahil magkaibang location ‘yon.

So, si Edu Manzano ba ang pinakabida sa nasabing pelikula dahil top billing ang aktor? “The story is told from the point of view of Magalong, played by Edu. But the principal SAF44 officers are played by Aljur (Abrenica) and JC (de Vera),” sey ni Atty. Topacio.

At least, maraming showbiz projects na ang umaarangkada.

Marami na uling trabaho ang mga artista at production people.

So nice. ‘Yun na!

vuukle comment

BEA ALONZO

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with