^

PSN Showbiz

Kathniel bumida

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathniel bumida
Kathryn at Daniel
STAR/ File

Maraming kapamilya stars hindi nagparamdamsa tinig ng mga nawalan

Isang tribute video ang iniaalay ng network sa mga patuloy na lumalaban, naglilingkod sa bayan, at kumakalinga sa kanilang kapwa sa kabila ng matitinding pagsubok na nararanasan ng bansa ngayon kasabay ng National Heroes Day kahapon.

Napanood ang video kagabi na pinamagatang Tinig ng Mga Nawalan tampok ang maraming Kapamilya sa loob at labas ng ABS-CBN sa pangunguna ng Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kabila umano sa proyektong ito, kasama ang direktor ng video, ang ilan sa mga Kapamilyang mawawalan ng trabaho dahil sa hindi pagbigay ng Kongreso ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.

In a nutshell, laman ng mensahe ang pag-asa at pakikibaka sa kabila ng mga trahedya tulad ng mga buhay at hanapbuhay na nabuwis at nawala ngayong panahon ng pandemya.

Napanood rin sa video ang mga artistang sina Coco Martin, Vice Ganda, Angel Locsin, Enrique Gil, Liza Soberano, Bea Alonzo, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Jericho Rosales, Beauty Gonzales, Bianca Gonzales, Enchong Dee, Robi Domingo, Jake Cuenca, Kylie Versosa, Edward Barbers, at Alex Gonzaga, at mga mamamahayag na sina Bernadette Sembrano, Zen Hernandez, Alvin Elchico, Jeff Canoy, Chiara Zambrano, at Jacque Manabat na ginagamit ang kanilang mga boses para ipaglaban ang kanilang kapwa.

Bahagi umano ang tribute video na ito ng bagong kampanya nila na Lingkod ng Isa’t Isa, na ipinagdiriwang ang tapang, tiyaga, at tatag ng bawat Pilipino sa pagharap sa krisis at pagtulong sa iba. Nais raw ipakita ng network kung paano sa panahon ng kadiliman ay nagiging bayani ng mga mamamayan ang isa’t isa.

Pero nasaan na kaya ang ibang Kapamilya stars na dati ay nag-uunahan sa pagso-shoot ng station ID ng network?

As in punung-puno noon ang compound ng network pag may mga special video shoot ang network pero ngayon talagang nagkalasan na agad sila.

Shows ng Dreamscape dadalhin NGA BA sa QTV?!

True kaya na sa Septermber 28 na ang umpisa ng mga show ng Dreamscape productions sa Channel 11 ni Bro. Eddie Villanueva na dating QTV?

Although hindi alam ng pinagtanungan ko kahapon pero ayon naman sa isang nagkuwento, nakalatag na ang mga palabas ng producer ng maraming teleserye ng ABS-CBN.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with