^

PSN Showbiz

DOH at IATF rep, may bayad sa pagbabantay sa shooting!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
DOH at IATF rep, may bayad sa pagbabantay sa shooting!
Rita Daniela at Ken Chan
STAR/ File

Kahapon nag-last day ang pelikulang My First, Your Last: Luis (heart emoji) Luisa na ginawa na pala nilang My First and Always na bale launching movie ng loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan.

Nagpapasalamat silang lahat na nairaos nila ang walong araw na shooting na walang nagkasakit at plantsado ang lahat hanggang sa na-pack up sila pauwi.

Post nga ni direk Louie Ignacio kahapon sa kanyang Facebook account na kuha sa Pagsanjan Falls, “Last shooting day big set up ang dugoooo…17 bancas set up.”

Tig dalawang tao lang daw ang puwede sa isang banca, kaya umabot na labing-pitong banca ang ginamit sa big scene na gagawin. Talagang madugo pagdating sa production, dahil doble ang gastos.

Kailangang ipinapatupad ang safety protocols at guidelines, kailangang ay nagbabantay na taga-Department of Health at IATF na binabayaran din ng produksyon ng arawan na ang trabaho lang  ay tagabantay kung sinusunod ba ang safety protocols sa shooting.

Sobrang higpit daw talaga na tsini-check mabuti kung nagma-mask ba, may physical distancing at safe ba ang lugar na kinukunan, at pati sa oras ay dapat na sinusunod kung ilang oras lang puwedeng magtrabaho sa loob ng isang araw.

Hindi lang kasi para maiwasan ang COVID-19 kundi sinusunod na rin ang ilang guidelines na nakapaloob sa Eddie Garcia law.

Bukod sa sinusuwelduhan nilang taga-DOH at IATF, meron pa silang binabayaran sa daily shooting na paramedics at ambulansyang nagbabantay.

Lagi raw tsini-check ang temperature nila na kapag tumaas ito na lagpas ng 37, pinapagpahinga raw muna hanggang sa bumaba.

Pero sabi raw ni Rita, mas gusto raw nila ang ganitong set up na naka-lock in hanggang sa matapos ang shooting dahil mas naka-focus daw sila sa trabaho at naka-concentrate sa kanilang role na ginagampanan.

Puring-puri ng production ang dalawang bida dahil bukod sa magaling sila, wala silang karekla-reklamo at napakagaan daw nilang katrabaho.

Kaya nagpapasalamat sila sa Diyos na natapos nila ito na walang aberya at maganda ang pakiramdam nila na magustuhan ito ng RitKen fans.

Gladys gulat sa rami ng gustong umarte

Hindi akalain ni Gladys Reyes na maganda ang turnout ng online acting workshop niya.

Ang dami pa rin daw palang gustong mag-artista at matuto ng tamang pag-arte.

Tapos na raw siya sa third batch at nagkaroon na sila ng recital sa kanyang programang Moments sa Net 25.

Karamihan daw sa mga nag-aral ay nasa ibang bansa kaya naga-adjust daw siya sa oras na convenient din sa ibang bansa gaya sa Amerika, Australia, New Zealand, at kahit sa ibang bahagi ng Europe.

Natawa kami sa kuwento ni Gladys dahil sa Online Acting Workshop for Kids, may ilang bata raw na talagang mahiyain at hindi nakipag-cooperate sa exercises ni Gladys.

Halatang ang nanay lang daw ang may gustong magpa-acting workshop.

Ngayon ay magsisimula na si Gladys sa 4th batch ng workshop niya, kaya open na ngayon sa mga gustong magpa-enrol.

Ka Tunying at Gerry mainit na sinalubong

Mainit na sinalubong ng mga taga-DZRH ang sikat na tandem sa radio na sina Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna at Gerry Baja na nagsimula na kahapon ng hapon.

Marami na talagang supporters ang dalawa na sumunod sa kanila sa DZRH para subaybayan ang kanilang Dos Por Dos.

Malungkot naman ang pamamaalam ni Ted Failon  sa ABS-CBN 2.

Tatlumpung taon din siyang nasa Kapamilya network at tuluyan na nga niya itong iwan at lilipat na siya ng TV 5.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with