^

PSN Showbiz

Scoliosis ni Sheryl umayos sa paghu-hula hoop

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Scoliosis ni Sheryl umayos sa paghu-hula hoop
Sheryl Cruz

MANILA, Philippines — Sa episode ng Mars Pa More, ibinahagi ni Sheryl Cruz kung paano natulungan ng paghu-hula hoop ang scoliosis niya. Aniya, “Kasi when you walk ‘di ba you tend to slouch most of the time, lalo na if you’re heavy. It helped me straighten my back. Yung posture ko, mas maayos siya.”

Bukod sa nakakatulong sa weight loss, magandang full body workout din daw ito. 

Dagdag na tip ng Magkaagaw actress para sa beginners, gumamit muna ng bigger o heavier hoops dahil mas mabagal na rotation ng katawan ang kailangan nito kumpara sa mas maliliit na hoops.

Elisse nang-aakit, walang dyowa

Ipapakita ni Elisse Joson ang mas mature at nakakaakit na persona niya sa pinakabago niyang single mula sa Star POP na Halika Na.

Ang kanta ay ang unang solo single ng actress-singer mula sa nasabing ABS-CBN label. Tungkol ito sa kakaibang kwento ng hindi nasusukliang pag-ibig, kung saan matapang na inaakit ng isang babae ang lalaki na pinaniniwalaan niyang hindi na masaya sa karelasyon nito.

Noong 2017, nag-release si Elisse ng album sa ilalim ng Star POP kasama ang dati niyang on-and-off screen partner na si McCoy de Leon na pinamagatang McLisse. 

Nag-cover din noong 2019 ang McLisse ng kanta ni Moira Dela Torre naTagu-taguan para sa romantic-comedy film nila na Sakaling Maging Tayo.

Mas nakilala si Elisse noong naging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2016. Pagkatapos nito, napasama siya sa mga Kapamilya teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano, The Good Son, Ngayon at Kailanman at Sandugo. Bumida rin siya kamakailan sa Ampalaya Chronicles ng iWant.

Pakinggan ang Halika Na  ni Elisse sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang StarPOP PH sa Facebook (www.facebook.com/starpopph), at Instagram (@starpopph).

Ken at Buboy, nagkasubukan sa mystery drink 

Isang nakakatuwang vlog ang ginawa ng Kapuso actor na si Ken Chan kasama ang matalik na kaibigan na si Buboy Villar na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

“Sobrang saya ko kasi nakasama ko ang isang tao na mahalaga sa buhay ko. Masayang-masaya talaga ako kasi ang tagal naming hindi nagkita at na-miss kong kakulitan ito,” say ni Ken.

Sa kanilang naging reunion, naglaro ang dalawa ng trivia drinking game na may twist. Kailangang uminom ng mystery drink kung sino sa kanila ang magkakamali ng sagot. 

Sa pagtatapos ng kanilang nakatutuwang game, pinuri ni Buboy si Ken sa pagiging professional at totoong kaibigan.

Nagkatrabaho ang dalawa at naging close sa pinagsamahang 2019 GMA primetime drama na One of the Baes. 

vuukle comment

SHERYL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with