^

PSN Showbiz

Boyet, nag-donate uli ng plasma

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Boyet, nag-donate uli ng plasma
Rhea at Christopher

Nag-donate na naman ng plasma si Christopher de Leon. Tuwang-tuwa siya na nakakatulong siya para meron ma-save na buhay dahil sa COVID-19. At talagang sinabi niya na matapos niyang maranasan ang hirap ng magkasakit nito, sana nga raw wala nang tamaan ng COVID-19.

Samantala, sa tagal ng lockdown, talagang nakiusap na si Rhea Tan ng Beautederm kung puwede bang mag-pictorial na si Christopher para sa billboards at mate­rials ng Beautederm. At dahil alam ni Christopher na very professional at maalaga si Rhea Tan kaya kahit sa Pampanga ang pictorial shoot, pumayag siya para na rin makita ang bagong bahay nila Sam at Rhea Tan.

Sayang nga hindi tayo puwede sumama Salve eh matagal nang nag-i-invite si Rhea kasi nga siyem­pre kailangan lahat ng ingat lalo pa nga ngayon, so less muna ang tao sa pictorial, at sure ako next time ang mga meet and greet na ang haharapin ni Christopher para sa Beautederm. Alam ko naman aalagaan mabuti nila Sam at Rhea si Christopher kaya he is in good hands.

Welcome to Beautederm, drama king, Christopher de Leon.

Pami, inuuna ang safety ng mga alaga

Katuwa naman na sa sobrang concern ng mga manager ngayon sa mga alaga na magta-trabaho na ulit dahil meron ng mga taping at shooting, talagang gumawa ng strict health protocol ang mga member ng PAMI.

Now kailangan muna malaman lahat ng medical at health issues bago magsimula ang shooting o ta­ping. Talagang inuna muna nila na tingnan ang safety ng mga alaga nilang artista bago tanggapin ang anumang offer.

Dapat lang dahil hindi biro ang magkasakit. At dapat lang dahil nga mas malaki ang gastos ng production pag meron tinamaan ng sakit sa kahit sinuman sa production o artista.

Now lahat health conscious, lahat maingat, lahat iniisip ang kalagayan ng physical at mental ng kasama. Iyan ang isang mabuting ginawa ni COVID-19, maging maingat lahat.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with