^

PSN Showbiz

Isyu sa tulong kay John, lumala pa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin natatapos ang isyu ng pagtulong kay John Regala ng grupo nina Tita Aster Amoyo, Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus sa kinukuwestiyon nitong mga donasyong dumating.

Maayos na ipinaliwanag ng asawa ni Chuckie na si Aileen kung magkano ang nalikom na donasyon at kung saan ito napunta.

Siya kasi ang may hawak ng lahat na donasyong dumating, at kung ano ang binayaran, lahat lahat. Kaya maayos niya itong ipinaliwanag.

Malinaw ang paliwanag. Marami ang naniwala sa mga pahayag ng kanilang grupo laban kay John, pero siniraan na sila ng taong tinulungan nila para guma­ling lang ito.

Iyun ang masaklap at ikinadismaya nina Tita Aster, Nadia at Chuckie.

Nalagyan ng malisya ang kanilang pagtulong na pati tuloy ang dating pagtulong din ni Chuckie nung pumanaw si Isabel Granada ay naungkat.

Sabi ng ilang bashers, pinagkakitaan daw ni Chuckie ang pagkamatay noon ni Isabel, pati ang burol nito at ang cremation ng namayapang singer/actress.

Nasaktan si Chuckie sa paratang na iyun, pero nung  Biyernes ng gabi ay nag-post ang ina ni Isabel na si Mommy Guapa, at ang asawa ni Isabel na si Arnel Principe-Cowley.

Sabi ni Mommy Guapa o Isabel Castro sa FB post na ibinahagi ni Chuckie; “Wala katotohanan…wala ko alam tungkol diyan kasi nasa Doha pa kami…pa oras nabalitaan nila namatay si Isa...nag-usap sila mga close tulad ni Lotlot, Bianca, Chuckie, Nadia at iba pa…sila ang bahala sa lahat…Kaya habang buhay ‘di ko malilimutan ang ginawa nila para kay Isa… ang pagmamahal na ipinakita nila.”

Sabi naman ni Arnel Cowley na ibinahagi rin ni Chuckie sa kanyang FB account; “To the basher that made reference to my wife’s death (Isabel)… you have no fu..ing clue you ignorant moron! I can only speak highly of Chuckie and his wife along with the others that helped and guided me through the difficult time at my wife’s wake.

“Know your facts first before you start ­judging and making statements without any truth.

“Keep it up Chuckie don’t let these morons get under your skin. God bless mate.”

Dahil sa pinag-usapang isyung ito, tama pala talaga ang mga sinabi ni Elizabeth Oropesa na maling tao ang tinulungan nila.

Dating aktres nakakuha ng maperang kapalit sa dyowa

Nagulat ang  mga close friend ng dating aktres na ito na may ibang career

nang pinagkakaabalahan ngayon sa showbiz dahil ang dali lang pala niyang makaha­nap ng kapalit na dyowa.

Pagkatapos napag-usapan ang pakiki­paghiwalay niya sa dating karelasyon,

nalaman na lang na may bago na pala siyang kapalit.

Matagal din ang kanilang relasyon pero kamakailan lang ay nagulat ang

mga malalapit niyang kaibigan na wala na pala sila at meron na naman siyang kapalit.

Ang kasalukuyang karelasyon ng dating aktres ay anak ng isang kilala at iginagalang na showbiz figure. Parang hindi naman daw nila itinatago, dahil nakikita ang sweetness nilang dalawa na parang sobrang love nila ang isa’t-isa.

Kung sabagay, ano ba naman ang pakialam namin kung magpalit-palit ng dyowa si dating aktres. Ang mahalaga ay masaya sila, at wala naman silang inaagrabyadong tao.

Ang latest na nabalitaan ko pa kay dating aktres, balak daw nitong pasukin ang pagdidirek ng pelikula.

Rita, panay ang trabaho para sa ina

Patapos na pala ang shooting ng launching movie ng tambalang Rita Daniela at Ken Chan na prinodyus ng Heaven’s Best Entertainment, ang My First Your Last na dinirek ni Louie Ignacio.

Sa Pagsanjan, Laguna kinunan ang kabuuan ng pelikula at maayos naman daw silang nakapag-shoot at mahigpit na ipinatupad ang safety protocols and guidelines.

May ilan akong naririnig tungkol sa mga ‘di pinatuloy dahil sa meron daw nag-positive nung pinag-swab test silang lahat. Pero ayaw na nila akong sagutin tungkol diyan.

Ayaw nang sabihin kung bahagi ng cast o sa production staff.

Makakasama pa rin sina Rita at Ken sa All-Out Sundays ngayong araw.

Marami kasi ang natuwa kay Rita sa mensaheng ipinarating niya sa kanyang ina na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung nakaraang linggo. Ang ina ni Rita ay nakipaglaban sa breast cancer kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit todo ang trabaho ng Kapuso singer/actress para sa treatment ng kanyang ina.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with