^

PSN Showbiz

Francine madalas palayasin at ‘di makabili ng libro noon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Francine madalas palayasin at �di makabili ng libro noon
Francine Diaz

Malaki na ang ipinagbago ng buhay ngayon ni Francine Diaz. Lubusang nakilala ang aktres nang maging isa sa mga bida ng teleseryeng Kadenang Ginto. Ayon kay Francine ay talagang naranasan niya ang sobrang hirap ng pamumuhay noon. “Nalubog kami no’n sa utang. Palagi kami napuputulan ng kuryente, ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami ng  bahay kasi napapalayas kami. Pero hindi naman po ‘yung pinalalayas na pinalalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga kayang bayaran ‘yung renta. No’ng first year (high school) ako, wala akong libro. Wala kaming pambili ng libro no’n. ‘Yon po ‘yung mga challenges na hinarap namin dati,” pag­dedetalye ni Francine.

Ang kahirapan ang naging motibasyon ng dalaga upang subukan ang pagiging isang artista. Nangarap noon si Francine na maging maginhawa ang buhay ng pamilya. “No’ng time na ‘yon nasa isip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa po talaga gustong mag-artista,” dagdag niya.

Nagsimula si Francine bilang extra o talent sa mga TV commercials noong kanyang kabataan. Isang bagay daw ang kaagad binili ng aktres mula sa kanyang kinita sa trabaho. “Bata pa po kasi ako no’n, hindi ko alam kung magkano ang kinita ko. Ang natatandaan ko po nagpabili ako kay Mama ng maliit na cellphone. Meron pang antenna, may TV ‘yung cellphone. Masaya kasi hindi ko alam na kaya ko pala kumita ng pera na pwede kong mabigay kina mama,” nakangiting kwento ng aktres.

LEA, NAGHIHINTAY NG TIMING

SA REUNION NILA NI AGA

Ilang taon nang pinag-uusapan ang tungkol sa posibleng pagtatambal muli nina Lea Salonga at Aga Muhlach sa isang pelikula. Matatandaang pumatok nang husto sa takilya ang Bakit Labis Kitang Mahal noong 1992 at Sana Maulit Muli noong 1995 na parehong pinagbidahan ng dalawa.

Marami pa ring mga tagahanga ng tambalan nina Lea at Aga ang humihiling na makagawa ng reunion movie ang dalawa. “It was always just a matter of timing. I think we just really enjoyed working together. There’s mutual respect because we’ve worked together previously. So doing this movie, it’s like picking up from where we left off. It was a lot of fun. He’s pretty easy to work with,” bungad ni Lea.

Nag-aantay lamang umano ang aktres ng magandang istorya o materyal upang matuloy ang muli nilang pagtatambal ni Aga. “It needs to be something that eclipses ‘Sana Maulit Muli’ and that’s a very high bar that we set. That’s all our fault. We raised the expectations so damn high that where do you go from here,” paliwanag ng singer-actress.

Masaya naman si Lea dahil kahit may kanya-kanya na silang pamilya ni Aga ay may mga masugid pa ring tagahanga ang kanilang tambalan. “There are people who ship us as a showbiz pair. I’d like to think that our fans are able to separate the reality from the not reality,” pagtatapos niya. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with