^

PSN Showbiz

Career ni Kim malalaman na ang kapalaran!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Career ni Kim malalaman na ang kapalaran!
Yam at Kim
STAR/ File

Xian, napahagulgol

Malalaman sa Thursday ang magiging kapalaran ng career ni Kim Chiu.

Ayon sa malapit kay Kimmy, may meeting sila with Ms. Cory Vidanes on that day.

Sa kasalukuyan ay suspended na ang contract ng lahat ng Kapamilya stars pero meron daw ibang pinipigilang magtrabaho sa ibang network dahil nga tuloy naman ang ibang shows ng ABS-CBN sa online platforms.

Samantala, kasama sa nagdarasal para sa lola ni Xian Lim si Kim.

Napahagulgol nga si Xian sa kanyang social media account nang sabihin ang health crisis na pinagdaraanan ng kanyang lola.

May cancer pala ito at kailangang operahan. “I think the procedure is called mastectomy, where they have to remove, I guess, her left or right breast, because they found cancer. So my grandma has cancer right now,” bahagi ng kuwento ng aktor habang umiiyak.

Crowded pa rin ang mga hospital dahil sa pagdami pa rin ng COVID-19 cases sa bansa na lalong nagpapaalala sa kalagayan ng kanilang lola.

“She’s still around, malakas pa naman siya. It’s just that, you know, may mga uncertainties in life, and there’s moments talaga na hindi natin nako-control, so don’t take time for granted.

“Don’t take time for granted and love your parents, love your grandparents, because all the money in the world, all the things that you have, wala ‘yang laban sa time.

“So just please reach out to your family now and just give them a hug and say, ‘I love you.”

Samantala, painit nang painit ang mga harapan nina Kim, Yam Concepcion, Eula Valdez, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez sa tumitindi nilang agawan para sa pag-ibig, hustisya, at kayamanan sa mga huling linggo ng Love Thy Woman na napapanood sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live na pinagbibidahan ng KimXi.

Yup, huling linggo na nila at matagal na silang natapos ng taping.

Kaya naman unti-unti nang lumalabas ang mga sikreto sa likod ng pagkamatay ni Adam (Christopher de Leon) at pagkawala ng last will and testament niya kung saan nakasaad na kay Jia (Kim) mapupunta ang pinakamalaking bahagi ng pag-aari niya.

Kaya naman sa kabila ng pang-aapi sa kanya, aangkinin na ni Jia ang nararapat na sa kanya bilang tagapagmana ng Dragon Empire. Hindi naman basta-basta magpapatalo si Dana (Yam), na walang balak umalis sa kanyang pwesto at pipiliting maibalik sa kanya si David (Xian Lim).

Sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Andoy Ranay, at Jojo Saguin ang Love Thy Woman, na isa sa tatlong ABS-CBN dramas na nagpatuloy ang produksyon nang may striktong safety protocols matapos ang pagluwag ng community quarantine, kasama na ang FPJ’s Ang Probinsyano at A Soldier’s Heart.

Going back to Kim, bungee jumping video before the coronavirus pandemic sa Nepal ang pasasalamat niya sa 9 million followers sa IG.

As in nakaka-tension ang taas nang tinalunan niya. “Happy 9m IG!!!  That JUMP is for you!!! Thank you for the love and for following my daily journey. Thank you for the uplifting comments, for correcting my mistakes, for letting me know you are there and for simply being there scrolling. I hope I inspired you in some of my posts. Thanks again. Cheers to more videos, photos, quotes, etc.! No grand post this time just a video of something that I really miss doing #KIMadvenCHIUre  chEers to life!!! Let’s make it CRAZY yet FUN!!!!!  AdvenCHIUre never stops!!!!” ang caption niya sa nasabing video.

Sa kasalukuyan ay ‘di pa advisable mag-travel.

Mga negosyo sa building ng ABS-CBN, nagsasara na

Ang lungkot naman. Sarado na rin pala ang Starbucks sa ELJ Building.

The other day ay may farewell offering silang buy one take one para sa lahat ng costumer na pinag-usapan sa social media.

Dito madalas mag-coffee ang maraming ABS-CBN workers.

Dito rin madalas nagaganap ang quick chikahan o tambayan ng ibang entertainment press before and after the presscon sa nasabing building.

Daanan ang puwesto nito sa entrance / exit ng ELJ building kaya maganda ring spot kung gusto mo lang mag-sight seeing sa mga artistang naglalabasan kaya laging crowded ang lugar.

Isa pang nagsara dahil sa ABS-CBN closure ay ang 9501 Restaurant sa ELJ Building din kung saan madalas mag-presscon ang new shows ng network. Venue rin ito ng maraming special events nila. Super yummy ang turon nila at coffee jelly na parang doon lang sini-serve. Sobrang babait din ng mga waiter.

At isa pang siguradong hindi na ngayon puwedeng puntahan ay ang chapel sa compound ng network.

Ang ganda ng ambiance ng nasabing chapel dahil parang forest ang concept ng paligid nito.

Nasa may area ito ng Dolphy Theater kung saan din madalas magkaroon ng press events ang network.

Epekto pa rin ito ng pagsasara ng Kapamilya channel sa free TV matapos nga silang hindi pagkalooban ng franchise ng Congress.

Hindi pa raw alam ng network kung anong mangyayari sa building nila ayon sa isang insider dahil naka-work from home ang majority sa kanila.

Baka naman in a way ay nakokonsensiya rin ang ibang congressman na hindi binigyan ng franchise ang network - dahil ‘yung top guns, executives, mga artista tiyak makakakuha ng trabaho or siguradong may mga ipon sila, pero paano naman ‘yung mga messenger, waiters, driver, etc. etc. na trabahador sa mga nagsasarang negosyo sa paligid nito?

Balitang sa August 31 ang last day ng 90% ng trabahador ng network na kasama sa massive retrenchment nila.

Concert ni Ellie Goulding p250 lang ang ‘ticket’

Pati ang mga international singer, virtual concert na rin ang inaasikaso. Isa sa magkakaroon ng concert virtually from the Victoria & Albert Museum in London si Ellie Goulding - The Brightest Blue Experience.

At ang cost ng ‘ticket’ sa nasabing concert, P250 lang.

Kakantahin daw ng English singer / composer ang tracks from her new album ( na title din ng virtual concert ) at maging ang ibang favorite songs ng fans niya.

Imagine for P250 may pass ka na to watch it without going out.

Ang daming sikat na songs ni Ellie Goulding like Hate Me, Close to Me, Love Me Like You Do, Outside at iba pa.

Samantalang kung walang pandemic at mag-concert siya sa Pilipinas, tiyak P20,000 ang gagastusin ng manonood or around that amount.

Anyway, paano na lang kaya ‘yung local singers natin?

Baka P100 to P50 na lang ang charge nila pag nagkaroon ng virtual concert.  Eh kung magbabayad pa sila sa musicians at back-up singers?

Pag namonitor mo naman, mas marami pang live viewers ang online masses kesa sa concert ng iba nating artist.

Talagang massive ang epekto ng coronavirus sa buong mundo.

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with