^

PSN Showbiz

Lorin, tinalbugan si Ruffa at Annabelle sa paseksihan

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lorin, tinalbugan si Ruffa at Annabelle sa paseksihan
Lorin Gutierrez

At 17, napakaganda na ng katawan ng panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez.

May latest post si Lorin sa kanyang Instagram account (@loringabriella) kung saan ay naka-blue two-piece siya.

Positive ang komento ng kanyang followers sa post na ‘yon ni Lorin.

Wala ring problema kay Ruffa ang mga ganoong post ng anak.

Ang lola niyang si Annabelle Rama, hindi rin nagre-react sa ganoong post ni Lorin.

Nang minsang makatsikahan ko si Bisaya tungkol sa ganoon, ok lang daw na may mga ganoong post si Lorin dahil maganda naman daw talaga ang katawan ng kanyang apo.

Noong dalaga pa si Bisaya, napakaganda rin ng katawan niya at marami nga ang nagsasabing talbog niya si Ruffa.

Pero mukhang talbog ni Lorin ang nanay at lola niya sa sobrang kaseksihan niya, huh!

Ang bongga! ‘Yun na!

Juday, Ryan at AshMatt, nag-bonding 

Ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa The Farm at San Benito (Batangas).

Nakita silang nagtse-check-in doon noong Sunday night.

Teka! Nasa The Farm at San Benito (Batangas) din ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, may usapan kaya silang apat?

Kilalang malapit na magkaibigan sina Juday at Sarah, kaya malamang na plinano nila ang pagbabakasyon sa lugar na ‘yon.

What do you think, Ateng Salve?

Martin, namatayan ng kapamilya

Ang announcement kahapon ng Martin in the House, ang online show ni Martin Nievera at twin sister niyang si Vicki Nievera.

“Thank you for always adjusting your schedules to spend time with us! See you next week.

“Due to unforeseen circumstances, tonight’s show will be postponed. The quarantwins will be back singing for you next w eek! Please stay tuned for the exact day and time. Thank you for your patience and understanding!”

Ka-chat ko kahapon si Vicki at tinanong ko siya kung ano ang dahilan at bigla silang hindi nag-online show?

“We had a death in the family,” sabi ni Vicki.

Ang first wife daw ng older brother nila na sobrang close sa kanila ay namatay.

To Martin and his family, our condolences!

vuukle comment

LORIN GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with