^

PSN Showbiz

Actor na naghahakot dati ng grocery supplies, kaaway ang buong pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobra-sobrang magmahal sa kanyang pamilya ang isang pamosong male personality. Palaging una sa kanyang mga prayoridad sa buhay ang kanyang mga magulang at kapatid.

Kahit nu’ng magkaroon na siya ng sariling pamilya ay walang nagbago. Pamilya pa rin ang una para sa kanya na madalas nilang pagtalunan ng kanyang asawa.

Kuwento ng aming source, “Clannish siya. Silang lahat sa pamilya. Bago ang ibang tao, e, sila muna. Priority nila ang family nila kahit ano ang mangyari.

“Nu’ng magkaroon na ng sariling pamilya ‘yung male personality, e, palagi pa ring part ng married life niya ang pamilya niya. Parang magkakasama pa rin sila.

“Du’n lumutang ‘yung kuwento na kapag nagpapa-grocery ang wife niya, e, napakabilis maubos ng mga stocks nila sa pantry. Tinanong ng wife niya ang namamahala sa paggo-grocery kung bakit.

“Ang sagot ng maid nila, e, kasi raw, kapag umuuwi sa bahay nila si sir, e, du’n na naggo-grocery sa pantry nila. Mismo! Kumukuha ng mga goods ang male personality para dalhin sa family niya kapag dumadalaw siya,” komento ng aming impormante.

Meron silang bahay-bakasyunan sa isang probinsiya, nandu’n ang magkakapatid palagi, enjoy na enjoy sila sa dagat.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka! Meron na siyang asawa at anak, pero siya pa rin ang inaasahan ng family nila! Kahit hatinggabi na, e, tumatawag pa rin ang mga kapatid niya!

“Napakasimple lang ng problema, naubusan na sila ng gasolina para sa mga gadgets nila. Wala na rin silang food, hindi sila makabili, dahil wala silang pera.

“Natural, madaling-araw pa lang, e, aalis na sa house nila ang male personality, may dala-dala na namang mga pagkain na siyempre, sa pantry na naman nila galing!

“Darating siya sa rest house nila na kumpleto na sa food, may dala-dala na rin siyang gasolina, makakapag-jetski na uli ang mga kapatid niya!

“Ganu’n katindi ang kuwento! Natural, nalalaman ‘yun ng wife niya, kaya madalas silang magtalo! Ganu’n kamapagmahal sa family nila ang male personality.

“Nakakalungkot lang na ngayon, e, magkakaaway na sila! Walang kakampi ang male personality, buong pamilya ang kalaban niya ngayon,” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Chika Besh! may sariling style

May mga naghahanap ng butas na puwedeng masilip ang mga miron tungkol sa bagong show nina Pokwang, Ria Atayde at Pauleen Luna sa TV5 na Chika Besh! (Basta Everyday Super Happy).

Kopya lang daw ang show nila sa Magandang Buhay ng ABS-CBN. Wala raw ipinagkaiba kundi ang mga hosts lang.

Nakumpleto namin ang panonood ng Chika Besh! mula nu’ng Lunes sa una nilang sultada. Saksi kami sa magandang daloy ng pang-umagang programa nina Pokwang, Ria at Pauleen.

Kumpletos rekados ang kanilang atake. May puso, maraming impormasyong ibinabahagi ang show tungkol sa pangkabuhayan, pagluluto, pangingibang-bansa at marami pang ibang paksa.

May kani-kanyang istilo ang bawat programa. Walang sinumang makaaangkin na ang kanilang atake ang original. Maaaring may pagkakahawig, pero ibang-iba pa rin, dahil magkakaibang perso­nalidad ang tumitimon sa mikropono.

Ang mahalaga, ngayong panahon ng pandem­ya, ay may tulad ng Chika Besh! na nagbibigay ng aliw sa ating mga kababayan. Magagaling ang mga hosts, hindi nagsasapawan, kaya maayos ang kabuuan ng show.

Natural lang naman ang mga pagpansin, lalo na’t unti-unti nang nasasanay ang mga kababayan natin sa pagtutok sa Chika Besh!, pero sana’y huwag naman nilang agawan ng kredito ang programa.

Pinaghihirapan ‘yun ng mga hosts, ng buong produksiyon, tulad din ng ibang mga programang nakakahawig nila ang ihinahain sa manonood.

Bigyan naman natin ng pagpapahalaga ang effort na ibinibigay nina Pokwang, Ria at Pauleen. Bigyan din natin ng papuri ang production staff na gumagamit ng kanilang creative juices para sa lalamanin ng kanilang programa tuwing umaga.

Walang puwedeng magmalaki at umangkin ng daloy ng anumang show. Kani-kanyang paraan ‘yan, sarili nilang atake, hindi ginaya lang sa ibang programa.

At nakakatuwang panoorin ang mga hosts at guests ng Chika Besh! na sumusunod talaga sa mga health protocols. Naka-face shield sila, sinusunod nila ang physical distancing, hindi sila lumilihis sa pagbibigay ng kaligayahan sa kanilang mga tagasuporta ngayong panahon ng pandemya.

Basta, ang mahalaga ay masaya tayo sa araw-araw dahil may bagong programang nagbibigay ng kabuluhan sa atin tuwing umaga, ang Chika Besh!.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with