^

PSN Showbiz

Home Sweetie... at Banana Sundae, ‘di ipinamigay ng ABS-CBN

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

John Lloyd, may bagong katambal paglipat ng network

Noon pa napapabalitang “dadalhin” daw sa TV5 ang Home, Swee­tie, Home at Banana Sundae.

Sabi, kinakausap na raw si John Lloyd Cruz para sa sitcom na ‘yon, pero mukhang mali ang hinala ng iba na sila ni Toni Gonzaga ang magtatambal doon if ever na pumayag ang “semi-retired” actor.

May nagtsika kasi sa akin na sa ngayon ay wala pa raw balak lumipat si Toni.

Tama ba na ibang Kapamilya actress ang gustong itambal kay John Lloyd sa sitcom na ‘yon?

Well…

Tama rin ba ang tsikang nakarating sa akin na ipinagpapaalam daw sa isang executive ng ABS-CBN ang titles ng dalawang shows na ‘yon, pero hindi raw nag-agree ang mga nasabing boss ng Kapamilya network?

Wala nga namang balak ang Kapamilya network na tumigil sa paggawa ng shows kahit nasa cable lang sila at iWant app, YouTube, Facebook, TFC (The Filipino Channel) at TFC.tv, huh!

Marami pa rin nga daw talaga silang naka-line-up na shows na gagawin.

Bukod sa Dreamscape unit nila, may Star Creatives at iba pa rin silang units na mukhang hindi naman basta ititigil, huh!

In fairness naman kasi sa shows ng ABS-CBN, kahit nasa cable at streaming at internet apps at TFC lang sila, marami pa rin ang nanonood sa kanila.

Ang Love Thy Woman nga nila ay sobrang pinag-uusapan.

Tuwang-tuwa nga raw ang cast nang mag-Zoom app meeting sila kamakailan dahil ipinaalam sa kanila na milyon-milyon ang nanonood pa rin sa kanila.

Ang bongga!

Actress na hindi gastadora, ayaw lumipat

Alam mo, Ateng Salve, ang isang aktres na may existing show ngayon sa Kapamilya network ay tinanong kung may balak din ba siyang lumipat kapag natapos na ang teleserye niya, pero ‘No’ raw ang sagot nito.

Malaki raw ang utang na loob ni aktres sa Kapamilya network, kaya hindi siya magmamadaling lumipat.

At liquid daw si aktres, kaya hindi siya natatakot at may pera nga naman siya.

Hindi raw gastadora si aktres at hindi katulad ng iba na sobrang hilig sa signature brands.

Nice!

Donita, ‘di natuloy lumayas ng Pilipinas

Dahil naging October 15 na nga ang alis ni Donita Rose pa-San Francisco, California para tumira sila ng anak niyang si JP sa bahay ng kapatid niyang si Paul sa San Mateo, may mga kaibigan ang aktres na nanana­langing may mga trabahong dumating kay Donita para hindi na talaga niya tuluyang lisanin ang Philippines.

Two months din halos ang itatagal pa ni Donita at sana nga raw ay magka-regular TV show siya para huwag na matuloy sa pagma-migrate sa Amerika.

What do you think, Ateng Salve, ‘yung hindi kaya pagkakatuloy ni Donita na umalis pa-Amerika noong Wednesday ay magtutuloy-tuloy na hanggang maisipan niyang huwag na nga lang mag-migrate sa San Mateo?

Well… ‘Yun na!

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with