^

PSN Showbiz

Eddie Garcia law, may pag-asa na sa kongreso

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang ibinalita sa amin ng FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra na inaprubahan na sa sub-committee sa Kongreso ang lahat na mga provision na nakapaloob sa ipinapasang Eddie Garcia Law.

Umabot daw ng walong oras ang talakayan nung nakaraang Lunes, dahil doon daw nila hinimay-himay ang lahat na mga provision ng ipinapasang batas bago ito dalhin sa plenary sa Kongreso.

Proteksyon sa mga artista, production crew pati sa mga bit player at extras na dapat may maayos daw silang shelter at nabigyan ng proteksyon sa lahat na ginagawa nila sa set ang nakapaloob sa nasabing provision. Kasama rin doon na dapat ay merong safety officer na nagbabantay para matiyak lang na nagabayan sila kapag merong mga eksenang kailangan ng sapat na proteksyon sa mga artistang gagawa nito.

Nakasaad doon na kung sakaling magkaroon man ng aksidente sa set, may karapatan ang mga trabahador na humingi ng proteksyon at pag-asikaso mula sa mga producer.

Pero sabi nga ng ilan, parang huli na raw itong Eddia Garcia Law dahil pinapraktis na rin naman ngayon sa mga nagsimula nang mag-taping at shooting ang ganito. Maingat na rin naman lahat lalo na’t takot na magkahawaan ng COVID-19.

“Maganda na naumpisahan na natin ito lalo na nagkaroon ng pandemic. Nakita natin na hindi kailangang pilitin ang lahat. Ang importaansya ng proteksyon sa ating workers.

“Pero pagkatapos ng pandemic, how are we going to institutionalize this? Paano natin masisiguro na hindi lang ngayon pandemic nangyayari ito. So, kailangan talaga na i-pursue siya para maging mas permanente ang mga ginagawa nating mga hakbang para protektahan ang mga worker,” saad ni Liza.

Mabuti na lang at talagang suportado raw ito ng mga taga-showbiz na kongresista. Inaasahan nilang sa susunod na buwan ay maisabatas na raw ito.

Samantala, hiningan namin ng opinyon si Liza kaugnay sa desisyon ng grupo nina Tita Aster Amoyo, Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus na bumitaw na sa pagtulong kay John Regala. “Hindi ako makapagsalita on their behalf kasi decision nila iyon. Pero naintindihan ko talaga sila. Nagkausap din kami ni Tita Aster, sinabi niya sa akin na ano din…’yun nga hindi rin naman nila puwedeng ipilit ‘tong sitwasyon na hanggang saan talaga sila makatulong,” saad ni Liza.

Naintindihan naman daw niya ang pinagdaanan ni John dahil  may nararamdamang sakit ito. Iba raw talaga ang attitude ng isang tao kapag may iniindang sakit. Nandiyan pa rin naman daw silang willing tumulong kung kinakailangan.

Pero ang isa pala sa tinutulungan ngayon ng FDCP ay ang dating aktor na si Boy Alano.

Napabalita na noon na pinatira na lang si Boy ng isang kagawad sa Sampaloc, pero kulang pa talaga siya ng suporta dahil sa tinalikuran na raw ito ng kanyang pamilya at ang isa pala sa tumutulong dito ay si Nora Aunor. “Siya ang nagbibigay ng support. Nag-aabot siya ng pang-grocery, binigyan niya ng telepono. Talagang tumutulong siya kasi nakasama nga niya sa movies.

“Nag-message talaga sa akin si Ate Guy na ‘Liz, napanood kita baka puwede mo siyang puntahan. Pinuntahan namin siya two Sundays ago.

“Ibang klase talaga si Ate Guy,” pahayag ni Liza.

Ito raw ang inaasikaso nila ngayon dahil mahina na nga raw ang dating aktor, at kailangan daw niyang ma-check up.

Mga contestant ng clash ipapa-swab

Pagkatapos ng announcement na bagong episodes na ang mapapanood sa Bubble Gang umpisa sa Biyernes, August 21, inaayos naman daw ngayon ang season 3 ng The Clash.

Sobrang maingat sila sa pagpapatupad ng safety protocols dahil iti-tape nila ito sa studio. Next week ay magkakaroon na ng pilian ng finalists na kung ‘di ako nagkamali, mga 40 contestants sila. Pagkatapos nito ay ipapa-swab test silang lahat, pati ang production staff para makapag-start sila ng taping by first week of September.

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pa rin ang hosts, kasama sina Rita Daniela at Ken Chan, at ganu’n pa rin ang judges na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at si AiAi delas Alas.

Magbabalik-studio na rin ang All-Out Sundays.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with