^

PSN Showbiz

Maymay mag-a-ala Charo Santos, Star Cinema sa digital muna?! Darna kanselado na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maymay mag-a-ala Charo Santos, Star Cinema sa digital muna?! Darna kanselado na

Ang Star Cinema, mukhang magko-concentrate muna sa digital.

Trending agad ang launching ng upcoming series ng adaptation ng The Four Bad Boys and Me na nagkaroon ng worldwide media launch the other night via digital conference.

Starring sa The Four Bad Boys si Maymay Entrata bilang isang DJ at mala-Charo Santos sa Maalaala Mo Kaya ang na-assign sa kanyang character kung saan first time magkakaroon ng collaboration ang Star Cinema sa isang Wattpad story.

First digital project din ito ng Star Cinema na isang audio visual podcast na mapapanood sa FB (Facebook) and YT (YouTube) at mapapakinggan din sa Spotify account ng Star Cinema.

Noong 2013 pa nag-start ang nasabing story sa Wattpad na comedy romance story na naging libro na rin. At ngayon nga ay may magiging series na.

Marami nang nakabasa nito sa Wattpad na sinulat ni Tina Lata.

Aside from Maymay, bibida rin sa The Four Bad Boys and Me sina Karina Bautista, Aljon Mendoza, Chie Filomeno, Mark Rivera and Alora Sasam join Kaori Oinuma, Rhys Miguel, and Jeremiah Lisbo sa Listen To Love digital lovecast series ng film arm ng ABS-CBN.

So ito kaya ang rason kaya diumano’y hindi na itinuloy ang shooting ng pelikulang Darna ng Star Cinema na una nang nakaplano na magre-resume ng shooting? Magko-concentrate na lang kaya sila sa digital platform?

Or baka rin naman na-discourage rin sila dahil nga bukod sa walang mga sinehan, baka nakalimutan na ng fans si Jane na hindi pa man nakaka-take off ang career matapos ipalit kay Liza Soberano para sa Darna movie ay bigla namang nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Though, parang hindi rin naman nawalan ng franchise ang network dahil namamayagpag sila sa digital pagkatapos umani ng sampung milyong subscribers sa YouTube.

Ang ABS-CBN News ang Filipino news channel na may pinakamaraming subscribers sa nasabing plataporma, kung saan nila-livestream ang news programs na TV Patrol at The World Tonight, pati na rin ang ilan sa mga palabas ng TeleRadyo at ABS-CBN Current Affairs, at mga eksklusibong video ng kanilang digital brand na NXT.

Mayroon din itong 18 milyong likes at 20 milyong followers sa Facebook, pitong milyong followers sa Twitter, at 1.7 milyong followers sa Instagram.

vuukle comment

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with