^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn, ‘di naisip mag-live in

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Kathryn, �di naisip mag-live in
Kathryn at Daniel

Nakatawag ng pansin ‘yung posts sa social media na ginawa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Doon sa post ni Daniel, sinabi niyang “ikaw ay akin lamang.” Mabilis namang sinagot iyon ni Kathryn ng “ikaw rin.”

Kung sabagay noon pa naman inamin na nila na matagal na ang kanilang relasyon. Paulit-ulit nga sila sa pag-amin sa kanilang pagmamahalan.

Pero ang maganda lang sa dalawang iyan, aminado man sila sa kanilang relasyon, hindi naman sila gumagawa nang wala sa ayos. Hindi sila nag-live in. Kung iisipin mo puwede naman silang mag-live in na walang tututol?

Pero hindi nila naisip iyon. Katunayan iyan ang respeto ni Daniel kay Kathryn. Kasi sa kahit na anong “live in situation,” lugi ang babae. Ang babaeng nakisama na sa isang lalaki, ano man ang sabihin ninyong modernong kaisipan sa ngayon, iba pa rin doon sa talagang dalaga pa at walang nakasama sa isang bubong lang.

Sa lalaki walang nawawala eh. Makipag-live in man siya kahit na kanino, ganoon pa rin. Sa babae lang talaga may ibang dating.

Sa nakikita natin sa dalawang iyan, hindi maikakaila, ano man ang sabihin ninyo, naging mahusay ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang.

Mga nagbibisyo hindi dapat tinutulungan

Tama ang sinasabi ni Elizabeth Oropesa. Hindi masamang tumulong sa taong nanganga-ilangan, pero dapat naman piliin kung sino ang tutulungan dahil maraming higit na nanganga-ilangan at mas dapat na tulungan kaysa sa ibang winaldas ang kabuhayan at nagpabaya sa buhay.

Maraming ganyan sa show business eh, naging kawawa ang buhay, pero nagwaldas kasi at nagumon sa masasamang bisyo.

Minsan kasi tutulong ka, tapos ganoon din naman ang bagsak, manghihinayang ka lang sa ginawa mong pagtulong. Eh ‘di tulungan mo na nga lang iyong talagang dapat tulungan.

Male star na gumagawa ng bading serye, noon pa laman ng gay bars

“Noon pa namang magkakasama pa kami sa show talagang gay na iyan, kaya hindi na bago sa kanya at ok lang sa kanya ang gay roles,” sabi ng isang young male star tungkol sa isa pang lumalabas ngayon sa ilang ginagawang “bading serye” na ipinalalabas sa internet.

Iyong sinasabi niyang bading din talaga, ay nakarelasyon diumano ng dalawang baklang male models noong araw, at ng isa pang bading na kinikilalang “kilabot ng Malate.”

In fact, ang male star na iyon ay tambay daw talaga sa gay bars noon sa Malate.

Pero may modus daw ang male star ha. Nakikipagkaibigan siya sa ibang mga bading na kung mabobola niya ay inuutangan niya nang inu-utangan. Pero bilang kapalit naman daw ay sumasama siyang makipag-date sa mga iyon hanggang sa mabuko ring bading din pala siya.

Eh ‘di alam na ng bading na natanso rin pala siya.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with