^

PSN Showbiz

Martin at anak, nag-quarantine

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Martin at anak, nag-quarantine
Martin Nievera

Alam mo, Ateng Salve, bago pa nagsimula ang MECQ (modified enhanced community quarantine) sa Metro Manila (at mga karatig probinsya), nakabalik na ng Philippines si Martin Nievera.

Ilang weeks din sa Amerika ang Concert King kung saan ay dinalaw niya sa Los Angeles, California ang panganay na anak na si Robin Nievera.

From L.A., nag-Las Vegas, Nevada naman siya para puntahan ang bunsong si Santino Nievera.

Isinama nga ni Martin pauwi ng Philippines si Santino at limang araw silang nag-quarantine sa The Bellevue Manila sa Alabang.

Bale hinintay muna nilang lumabas ang CO­VID-19 swab test result  bago nakauwi ng bahay ang mag-ama para mag-self-quarantine naman doon.

Kahit matapos na ang 14-day quarantine nina Martin at Santino, stay at home pa rin sila dahil by that time ay naka-MECQ pa rin naman ang Metro Manila.

Malamang na after ng self-quarantine nina Martin at Santino ay i-resume ng una ang Martin in the House Facebook online live streaming nila ng twin-sister niyang si Vicki Nievera na sobrang nami-miss na ng kanilang followers.

Sen. Grace nag-congratulate kay Lovi

Nag-time out muna sa pulitika si Senator Grace Poe nang mag-post siya ng congratulatory message para sa younger sister na si Lovi Poe.

Kinongratulate ng senadora si Lovi dahil sa pagna-number one sa Netflix Philippines ng Hindi Tayo Pwede movie ng kapatid.

Ang sweet ni Sen. Grace, kaya naman sobrang na-touch si Lovi sa kanyang ate, huh!

Nice!

Angeline kilig na kilig pa rin kina Sharon at Regine

Parehong touched sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid kay Angeline Quinto.

Nag-effort talaga si Angeline na mag-order ng Thai food sa Doon Thai restaurant ng concert producer na si Anna Puno at pina-deliver ‘yon sa bahay nina Sharon at Regine.

Parehong idol ni Angeline sina Sharon at Regine.

Kahit sabihing sikat na rin si Angeline, pagdating sa Megastar at Asia’s Songbird, sobrang kilig pa rin siya.

Si Sharon naman, anak-anakan ang turing kay Angeline.

Si Regine, parang nakababatang kapatid si Angeline.

Kapag nakakausap ko si Angeline, madalas na maikuwento niya ang sobrang pagmamahal kina Sharon at Regine sa kanya.

Ang bongga!

Alden namigay ng pagkain

Dahil live ‘yung Zoom app portion ng Eat Bulaga, may mga staff pa rin palang pumapasok sa APT Studio ng nasabing noontime show.

Isa sa staff na pumasok noong isang araw ang nagkuwento sa akin na may padalang food sa kanila si Alden Richards.

Galing sa pag-aari niyang Concha’s Garden ang mga pagkaing ipinadala ng aktor sa Eat Bulaga staff na nasa studio noong isang araw.

Isa si Alden sa mga artistang magaling makisama sa production staff!

So nice!

 ‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with