^

PSN Showbiz

Bong Revilla sa COVID-19 situation niya: 'Pag oras mo na, oras mo na

James Relativo - Philstar.com
Bong Revilla sa COVID-19 situation niya: 'Pag oras mo na, oras mo na
Makikita sa video ang larawan ni Revilla habang (kaliwa) at bago (kanan) magkaroon ng COVID-19
Mula sa Facebook ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.

MANILA, Philippines — Bagama't lumalaban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), sinabi ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr., Lunes, na ipinagpapasa-Diyos na niya ang kahahantungan ng estado ng kanyang kalusugan.

"I'm okay. Pero sabi nga eh, 'If it's your time, it's your time.' 'Pag tinawag ka na ng Panginoon, 'Time to go,' you go,'" sabi niya sa isang video bandang 6 a.m.

 

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Sunday, August 9, 2020

 

"That's why I prayed last night bago ako matulog. Sabi ko nga 'Lord... Kayo na pong bahala sa akin. Alam kong hindi Niyo ako pababayaan."

Kahapon lang nang ianunsyo ni Revilla sa Facebook na nagpositibo siya sa COVID-19, ngunit negatibo naman sa nasabing virus ang asawang si Bacoor Mayor Lani Revilla at kanilang mga anak.

Basahin: Bong Revilla gets COVID-19

May kinalaman: Aktor, dating Sen. Ramon Revilla Sr., pumanaw sa edad na 93

Kinunan ng senador, na dati nang iniugnay ngunit inabswelto sa multi-billion Pork Barrel Scam, ang sarili habang inaapoy ng lagnat. Aniya, nagising siya dahil sa siya'y giniginaw at nakadarama ng iba't ibang sintomas.

"Ang hirap pala nito. Walang makatulong sa'yo, mag-isa ka. Pero ganoon pa man, lalaban po ako. COVID lang ito, kailangan labanan natin ito," wika pa ni Revilla.

"I know that I'm going to be okay, I'm not okay but I'm going to be okay... Dry cough, meron, mangilan-ngilan, manaka-naka. Parang *umubo*. Ganon, masakit sa ulo kapag umuubo ka."

Paano nagsimula

Kwento niya, Miyerkules noong nakaraang linggo nang mapansin niyang parang may "allergy" at namumula ang kanyang mata. Noong una, inakala pa niyang sore eyes lang ang dinaramdam: "Pero, hindi," dagdag ni Bong, na kilalang aktor bago sumabak sa pulitika.

"So kumontak po ako ng optalmologist just to check... Sinabi ng doktor... pwedeng COVID 'yan, pero gan'un nga, sabi ko, 'Parang imposible... allergy or sore eyes [lang siguro]'."

"Pero noong sinabi ng doktor 'yun, nag-isolate na rin ako kaagad. Sinabi ng doktor 'yun noong chineck. Tapos... pina-swab ako. Mahirap."

Humihingi naman ng panalangin para sa kanyang ama si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kahapon para umigi ang lagay ni Bong: "Malaki po ang magagawa ng ating pinagsama-samang panalangin. Ngayon pa lang, taos puso na po kaming nagpapasalamat sa inyong panalangin at pagmamahal," sabi niya.

Mga kalalawigan, nais ko pong hilingin sa inyong lahat na sama-sama po nating ipagdasal ang agarang paggaling at...

Posted by Jolo Revilla on Sunday, August 9, 2020

Lungkot na lungkot din ang misis ni Bong na si Lani, lalo na't hindi man lang niya maasikaso nang personal ang mister.

"Papaano mo maipapakita ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa iyong asawa na positive sa Covid-19? Hindi mo masamahan. Hindi mo mayakap. Hindi mo mahagkan dahilan sa kailangang mag-14 day isolation muli," sambit niya.

"Patuloy akong magiging malakas at malusog para sa ating pamilya at bayan, Papa. Palakas ka."

Pagtitiyak naman niya, hindi niya papabayaan ang kanyang responsibilidad bilang alkalde ng Bacoor habang pinagdaraanan ng kanilang pamilya ang nasabing krisis.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

JOLO REVILLA

LANI MERCADO-REVILLA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with