^

PSN Showbiz

2020 ‘di nakikisama kay Kris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
2020 �di nakikisama kay Kris
Kris
STAR/ File

Parang hindi yata ito time ni Kris Aquino kaya ang daming hitches ng kanyang balak na TV show.

Noong una, naayos naman, tapos heto muli ang panibagong problema, mukhang sign na maghintay-hintay pa si Kris ng tamang panahon dahil baka nga hindi ang 2020 ang taon niya.

Lahat ayos na, ok na, tapos meron na namang hindi umubra.Talagang tini-test ang pasensiya ni Kris. Totoong lahat ng snags bigla na lang lumalabas, at knowing Kris na perfectionist sa bawat detalye, hayun at hindi na naman daw ito matutuloy.

Bongga naman, sana maayos na ang lahat pero kung hindi kaya huwag ipilit, baka mas lalong pumalpak.

Wait na lang uli. Virtual presscon, usong-uso na

Ang galing ng mga presscon ngayong halos lahat ay gumagamit ng Zoom o virtual ang ginagawa. Like ‘yung presscon nina Maricel Soriano, Iza Calzado, Sam Milby, Jodi Sta. Maria sa bago nilang TV series na lalabas sa Kapamilya Online Live.

At mas magaling pa nga dahil mapag-iisipan nilang mabuti ang mga isasagot at napag-iisipan ding mabuti ng writers ang mga tanong.

Cute nga actually ang ganitong system, mas maayos, mas intimate at mas maganda ang resulta.

Siguro kahit mabalik sa dati ay ganito na rin ang gagawin nila sa ibang presscon, mas kontrolado pa ang crowd at hindi ‘yung nagkakasapawan. At least, may bagong discovery.

ABS-CBN kakahanga ang lakas ng loob

Mukhang tuluy-tuloy naman ang trabaho sa ABS-CBN. Tuluy-tuloy ang mga taping at parang na-master na nila ‘yung lock-in taping.

Maayos namang natatapos ang mga taping nila, tuloy ang trabaho, at maganda ang resulta ng produkto.

Hindi rin halata ang pagbawas ng tao maski ang social distancing nila sa taping. Nagagawa nila nang maayos, kaya naman gusto na rin ng ibang network na magtrabaho na, makapag-umpisa na at mukhang maganda naman ang resulta.

Iyon ang hahangaan mo sa lakas ng loob ng ABS-CBN, talagang itinuloy nila ang trabaho. Hindi sila huminto kaya tuloy ang mga programa nila sa Kapamilya Channel / Online Live. Well, dahil diyan, darami na ang mga taping at shootings. Good for the industry.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with