^

PSN Showbiz

Ipaglalaban… Sam inaming si Catriona na ang ‘the one’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ipaglalaban� Sam inaming si Catriona na ang �the one�
Sam Milby

Iza nag-iingat pa rin kahit may antibodies, kissing scenes at sampalan, dinadaya sa new normal

Nag-iingat pa rin si Iza Calzado kahit may antibodies na siya matapos maka-survive sa COVID-19.

Ayon kay Iza, hindi siya puwedeng maging fearless : “Di dapat magpaka-siguro kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ang anti-bodies mong ito,” banggit ng actress kahapon sa digital media launching ng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nila nina Maricel Soriano and Jodi Sta. Maria with Sam Milby, na first original teleserye offering ng Kapamilya Online Live.

Bukod pa raw sa talagang super strict ang guidelines na inilabas ng network na kailangang sundin, mas strict pa diumano sa government guidelines, kaya lahat naman sila ay nakapag-adjust sa new normal – lock-in set up.

Bawal ang sampalan, kissing scenes, among others na eksena na may physical contact kaya dinadaya na lang ng mga director nila ang mga ganung eksena.

Ayon kay Direk FM Reyes sobrang strict ang ginawa nila especially siya, (Direk FM) na bawal ang maghawakan talaga sa bawat eksena nila at lagi siyang may nakahandang pang-spray na alcohol sa lahat. “Minsan nga nagugulat na lang sila na nag-spray ako sa kanila ng alcohol,” kuwento ni Direk FM kahapon na naging emotional.

Three weeks silang naka-lock in sa isang hotel sa Quezon City at 12 hours ang working hours nila ayon naman kay Jodi.

“At hindi na kasama ang chika dun.

“Isang nakakapanibago na wala na ang chikahan. Walang beso-beso, wave wave na lang. Limited na ang mga tao sa mga scene.

“‘Yun ang ilan sa mga kailangan naming harapin sa new normal.

“At dito makikita kung gaano tayo kagaling mag-adjust at makikita mo dun ‘yung resiliency natin,” pahayag naman ni Jodi.

Binanggit din sa nasabing digital presscon kahapon ni Sam na si former Miss Universe Catriona Gray na nga ang the one niya. “I do believe she’s the one na,” sabi ng aktor though may age gap daw sila at nag-uumpisa pa lang ng career si Catriona pero sigurado na raw siya na si Catriona na, nang may magtanong sa kanya kahapon sa virtual presscon.

Handa rin daw siyang ipaglaban ito dahil ang ‘ang sa iyo ay akin,’ na naikonek sa title ng teleserye.

Anyway, sa August 17 na mapapanood sa lahat ng digital platforms ng ABS-CBN na walang free TV sa kasalukuyan ang Ang Sa Iyo Ay Akin.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with