^

PSN Showbiz

Bela, suki sa Dapitan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela, suki sa Dapitan

Malapit nang lumipat sa bagong bahay ang anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi na si Dani Barretto. Matatandaang nanganak si Dani noong isang taon bago pa sila nagpakasal ni Xavi Panlilio noong Abril.

Sinamahan ng kaibigang si Bela Padilla ang mag-asawa sa Dapitan Arcade upang mamili ng ilang mga kagamitan sa bahay. “I went furniture shopping here once when I moved house as well. So if you want to find legit Filipino furniture and décor, Dapitan is the best,” pahayag ni Bela.

Ngayon lamang naranasan ni Dani na makapunta at makapamili sa Dapitan. Ayon kay Dani ay madalas ding mamili roon ang ina ng mga kagamitan na gawang-Pinoy. Nakabili si Dani ng capiz tissue holder, abaca placemats, capiz serving tray at wooden cheese board. “Parang may theme ‘yung mga pinagbibili ko. Na-influence na ako ng nanay ko talaga. Makikita n’yo sa mga pinagbibili ko kung gaano ko ka-idol ‘yung nanay ko. Kasi halos lahat ‘to meron siya eh. My mom always love to go to Dapitan. Most of the stuff that we have na nagugustuhan ko from my mom, nabili niya sa Dapitan,” nakangiting kwento naman ni Dani.

Richard, mas relaxed kay yassi

Noong isang buwan ay napabilang na si Richard Gutierrez bilang pinakabagong cast member ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ginagampanan ng aktor ang karakter ni Angelito na kababata ni Alyanna na karakter naman ni Yassi Pressman. Hindi umano nakaramdam ng pagkailang si Richard sa aktres kahit ngayon lamang sila nagkasama sa isang proyekto. “Although we would see each other na before pa pero ngayon lang kami nagkasama sa mga eksena. Parang relaxed ako katrabaho si Yassi. Relaxed ako sa personality niya. Winelcome talaga ako ng buong Probinsyano family,” bungad ni Richard.

Para sa aktor ay nakatulong ang pagiging malapit na magkaibigan ni Yassi at ng asawang si Sarah Lahbati kaya napagaan ang kanilang trabaho sa taping. “Kasi matagal ko na ngang kilala si Yassi and then ‘yung mga parties lagi ko siyang nakakausap and nakikita. So parang relaxed na ako sa kanya. So no’ng ginagawa namin ‘yung mga eksena, parang wala na kaming ilangan. Mas kumportable na kami sa isa’t isa. Mas relaxed ako sa kanya dahil kaibigan siya ni Sarah,” giit niya.

Ayon kay Richard ay mas magiging kaabang-abang ang bawat eksena sa serye dahil sa pagkakaroon niya ng pagtingin kay Alyana. “Sa lahat ng supporters ng Cardo-Alyanna, nandito na si Lito na bagong salta. Abangan nila kasi mas magiging exciting pa ‘yung mga kwento, ‘yung love triangle namin. Gagawin talaga ni Lito ang lahat para makuha niya si Alyanna. Mas marami pang mangyayari. Madaming magaganap diyan,” paglalahad ng aktor.

Pansamantalang nahinto ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano nang magpositibo kamakailan sa COVID-19 si Vice Governor Mark Leviste na gumaganap naman bilang assistant ni Richard sa serye. Reports from JCC

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with