^

PSN Showbiz

Darna, ‘di nakalipad dahil sa pandemya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot na mukhang hindi na nga yata makakalipad pa si Darna. Ilang beses nang naudlot iyan. Nagkaroon ng problema sa spinal column si Angel Locsin. Nabalian ng daliri sa taping ang kapalit niyang si Liza Soberano. May ipinalit pa silang bago (na si Jane de Leon), pero sa tagal ng preparasyon nila, inabot na sila ng ECQ. Bukod doon, nagsara pa ang ABS-CBN.

Ang Darna, pelikula naman at Star Cinema naman iyan. Hindi kailangan ang franchise para gumawa ng pelikula.

Pero hindi maikakaila lalo na nga kung baguhan ang bida na kailangan nila ang suporta ng isang network na gaya ng ABS-CBN, at wala na iyon ngayon.

Pero isa pang malaking problema, ang Star Cinema ay subsidiary ng ABS-CBN, ibig sabihin sa network din umaasa ng puhunan.

Bukod doon quarantine pa nga at sarado pa ang mga sinehan. Saan mo naman ipapalabas ang pelikula mo?

Blocktime nego ng ABS-CBN, hindi pa umuusad

Wala namang duda na ang pinakamalaking stars ng ABS-CBN, na naghahatid sa kanila ng mataas na ratings ay sina Coco Martin at Vice Ganda.

Noong masara ang ABS-CBN, dalawang bagay agad ang naglaro sa isipan ng mga tao, tiyak na may ibang networks na mag-aambisyong makuha ang dalawa.

Ang isa pa, hindi sila bibitawan ng ABS-CBN at maaaring manatiling ang network ang mag-produce ng kanilang mga programa, pero magba-blocktime sila sa ibang channels.

Noong maging definite na walang makukuhang franchise ang network, umugong ang mga balita na mukhang may networks na ngang gustong kumuha sa kanila. Umugong din naman na may kinakausap na network ang ABS-CBN, para magpalabas ng shows nina Vice at Coco.

Pero ngayon, mukhang hindi ganoon ang sitwasyon. Ikinaila na ng TV5 na kinukuha nila ang serbisyo nina Vice at Coco, o inalok man lang nila ang mga iyon. Hindi na siguro nila uulitin ang nangyari noon na naki­pagpataasan pa sila ng bayad sa mga sikat na artista, na hindi naman nag-akyat ng pera.

Mukhang hindi pa rin umuusad ang sinasabing blocktime negotiations para sa mga programa nila, kaya malamang sa hindi, mananatili na lang muna sila sa cable channel nila at sa internet.

Sinasabi naman nila na mataas pa rin ang kanilang audience share sa cable at sa internet, pero siyempre apektado pa rin ang kanilang sales dahil wala sila sa free TV. Bukod doon, hindi naman maikakaila na mara­ming lugi at nagsara na kompanya, kaya kaunti na lang din ang advertisers na nakukuha nila.

Tiyak iyon, ibababa nila ang production budget ng shows, at magkakaroon din naman iyon ng epekto sa mga programa na nakakalungkot naman talaga.

Male star na malas sa gay politician noon, dyowa ng isang opisyales ng gobyerno

Hanggang ngayon, favorite topic pa rin ng mga bading ang isang male star na inaabangan nila paglabas sa school noong high school pa siya at hindi pa artista. Marami pa ring kuwento tungkol sa gays na nagkaroon ng escapades kasama si pogi.

Ganoon din naman ang mga kuwento nila kung papaanong nawala na nga siya noong maging artista na. Pero hindi pa siya nakakawala sa gays, dahil inalagaan naman siya ng isang gay politician noon.

Iniwan naman daw iyon ng dati niyang gay politician lover, dahil may nagsabi doon na si pogi ang malas sa kanyang political career.

Ngayon isang gay official na naman daw ang supporter niya, pero hindi bale dahil hindi naman daw elected official iyon. Hindi kailangan ng su­werte.

vuukle comment

DARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with