^

PSN Showbiz

Jennylyn, puro dakdak?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, puro dakdak?!
Jennylyn
STAR/ File

Naku, full ang hands ni Vinia Vivar ngayon sa pagtatanggol kay Jennylyn Mercado.

Paano nga ay nakatanggap siya ng panga-ral kaya ang buwelta ni Vinia ay dapat bago pagsabihan si Jennylyn, tingnan muna ni Arnell Ignacio ang sarili.

Wala akong gustong kampihan. Siguro iyon lang dapat sa mga artista natin lalo pa nga at bawat sabihin nila ay madaling mapick-up at isulat, medyo dahan-dahan lang sa issues.

Tama, dapat vigilant at dapat may boses, pero pag lahat ay sinalihan mo wala nang premium ang boses mo, ordinary na lang.

Kung ako si Vinia, dapat ang ituro niya kay Jennylyn ay choose her battles, hindi ‘yung sali nang sali. Dapat pagsali mo, wow, matutuwa ako dahil ang taas ng premium mo at ang pagsali mo sa issue ko ay nakatulong.

Pero ‘yung basta banat nang banat na lang, para ka ngang aktibista na salita nang salita dahil lang anti ka kaya hindi mo nakikita ang kabilang side. Sino ba ang gustong gayahin ni Jennylyn Mercado, si Angel Locsin?

Kung ganun, ‘di ang gawin niya maging kasing generous at charitable siya tulad ni Angel, gumagasta at tumutulong pag may disaster, hindi lang dumadakdak.

Sabihin mo iyan kay Jennylyn ha Vinia, kung gagaya siya, gawin din niya ang ginagawa nang ginagaya niya, mas madali pa iyon.

Ilan na ba ang naibigay ni Jennylyn na PPEs, face masks o face shields?

Nagpakain na ba siya ng frontliners tulad ni Marian Rivera?

Pinuntahan na ba niya ang drivers na nagugutom?

Unahin niya iyon, huwag ‘yung puro Twitter o Facebook ang ginagawa niya.

Goodnight Mr. Eddie Ilarde...

Isa na namang Icon ang nawala sa pagkamatay ni Eddie Ilarde. Poste ng Student Canteen at Kahapon Lamang ang isang Eddie Ilarde.

Sa generation namin, isa siya sa idol sa TV at radio, talagang hinahabol-habol namin siya pagkatapos ng Student Canteen para magpapirma ng autograph.

Ang tandem nila ni Leila Benitez at Bobby Ledesma ang pinakasikat that time. Kaya hindi kataka-taka na naging senador at congressman si Eddie Ilarde.

Goodnight and rest in peace, Mr. Eddie Ilarde.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with