^

PSN Showbiz

Sikat na TV personality na mahilig sa gitna ng aksyon, nabawasan ang pagiging pabibo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang naapektuhan ang indultong inabot ng kanilang istasyon ang isang pamosong female personality na kilala sa kanyang nililinyahan.

May mga natitira pa namang paraan para siya mapanood pero hindi ‘yun ang gusto niya. Maraming katrabaho niyang nagkokomento na pabibo ang babaeng personalidad.

Kuwento ng isang source, “Super-affected siya. Naunsi­yami ang career niya. Gustung-gusto pa naman niyang palagi siyang bidang-bida sa harap ng mga camera.

“She loves controversy pa naman, kasi, palagi siyang napag-uusapan. May mga co-workers siyang hindi niya ka-close, kasi nga, para siyang nakikipagkumpetensiya sa mga kasamahan niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

May kalabang mortal sa kanilang istasyon ang female personality na ito. Ayaw na ayaw sa kanya ng isang babaeng personalidad na sobrang naaangasan sa kanya.

Kuwento uli ng aming source, “Naku, kung gusto mong masira ang araw ni ____(pangalan ng sikat na female personality), e, banggitin mo sa kanya ang pangalan ng babaeng ‘yun!

“Malalim kasi ang pinag-ugatan ng labanan nila, nalaman nu’ng sikat na female personality na sinisiraan siya nang talikuran ng kasamahan niya.

“Pero kapag magkaharap naman sila, e, pinupuri-puri pa siya! Mula nu’n, dinededma na nu’ng female personality ang hitad!” dagdag na impormasyon ng aming impormante.

Ayon sa aming source ay hindi na kailangan pang magtrabaho ng kalaban niyang personality dahil nakasandal na ito sa pader. Puwede na itong magpa-chillax-chillax sa buhay.

Pero ang pabibong female personality ay kailangan pa ring kumayod, hindi dahil sa magugutom siya, kundi dahil gustung-gusto niya talagang nasa gitna siya ng aksiyon.

Sabi uli ng aming impormante, “Naku, kahit ano, e, gagawin niya, basta mapag-usapan lang siya at maging bida sa mga ginagawa niya sa ere.

“Kahit tuyung-tuyo na nga ang lupa dahil tapos na ang bagyo, e, pinadidiligan pa niya, maipakita lang niyang matindi talaga ang report niya!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie pinahiram ng studio si Sec. Roque

Sa halip na siya ang humingi ng tulong sa panahon ng pan­demya ay si Willie Revillame pa ang pinakiusapan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung puwede nilang magamit ang isang studio sa Wil Tower.

May mga nagpositibo sa COVID-19 sa PTV4 at sa studio ng Palasyo, walang magagamit na studio si Attorney Harry Roque, kaya humingi ito ng tulong kay Willie.

May tatlong malalaking studio sa Wil Tower si Willie. Ang isa na nasa 42nd floor ang ginagamit niya sa Tutok To Win, ipinahiram niya kay Attorney Roque ang isa pa, habang ang isa pang studio na katabi ng kanyang helipad ang ginagamit naman ng kanyang mga dancers para sa kanilang mga sponsors.

Siya mismo ang nag-asikaso kay Attorney Roque, nagpahanda rin siya ng mga pagkain para sa staff and crew, sa nasabing studio na nagre-report ngayon araw-araw ang tagapagsalita ng pangulo.

Sabi ni Willie, “Sa panahon ngayon ng pandemya, kahit anong tulong ang puwede nating ibigay, e, napakalaking bagay na. Ang laki-laki ng mga studios natin sa Wil Tower, hindi ko naman nagagamit, kaya bakit hindi natin sila tutulungan?”

Sa kabuuan ng lockdown ay hindi nakapagpagupit si Willie, humaba nang humaba ang kanyang buhok, na hindi na magandang tingnan.

Pero nu’ng Lunes nang hapon ay ibang-iba na ang kanyang itsura, maliwanag na ang kanyang aura, maigsi na ang kanyang buhok.

Nadagdagan din ang kanyang timbang habang nasa lockdown, nagsikipan na ang kanyang mga suit, kaya nagpagawa na siya uli kay Randy Ortiz.

Tuluy-tuloy ang pagtulong niya sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho, lalo na sa malalayong probinsiya, dadami na naman ang magdarahop ngayon dahil nakapailalim sa MECQ ang NCR at mga kalapit na lugar.

“Kailangan talagang sumunod na tayo sa health protocol, walang magandang mangyayari kapag hindi tayo sumunod. Kainam na sana na nasa GCQ na tayo, marami nang nagbubukas na negosyo, pero heto na naman.

“Padagdag nang padagdag ang mga nagkaka-coronavirus, kaya kahit masakit para sa gobyerno ang napakala­king nalulugi araw-araw sa ekonomiya natin, e, kailangang mag-MECQ tayo dahil mas mahalaga ang kaligtasan ng mga kababayan natin,” emosyonal na sabi ni Willie.

Totoong-totoo.

vuukle comment

HARRY ROQUE

TV PERSONALITY

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with