^

PSN Showbiz

Sylvia mas gustong mag-bake si Ria kesa mag-dyowa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sylvia mas gustong mag-bake si Ria kesa mag-dyowa
Sylvia Sanchez

Nakakaaliw ang video post kamakailan ni Sylvia Sanchez habang nagmamasa ng ube dough ang anak na si Ria Atayde.

Sa caption kasi ay sinabi ni Sylvia na mas gusto pa niyang gumawa nang gumawa ng ube pandesal ang anak kesa magka-boyfriend ito.

Sinamahan naman ni Sylvia ng, “Hahaha” ang kanyang caption.

So tama nga ba na kaibigan lang ni Ria si JM de Guzman na anak-anakan din ni Sylvia?

Well…

Anyway, inaabangan na ang Rise and Shine morning show ni Ria with Pokwang and Pauleen Luna sa TV5 na malapit nang mag-pilot telecast.

John kabi-kabila ang tulong

Ang Ang Probinsyano Partylist representative na si Ronnie Ong at si John Regala sa building na tinitirhan ng may sakit na aktor.

Thursday nang puntahan ni Congressman Ronnie si John at mag-isa lang daw siya dahil, “Mahigpit sa building na tinutuluyan niya. Sa INC (Iglesia Ni Cristo) ‘yon. I went by myself.”

Ang INC nga ang noon pa ay tumutulong na kay John.

Si Cong. Ronnie naman, pinuntahan si John the next day after na tawagan siya ni Julius Babao sa Teleradyo program nito.

May tulong na ibinigay kay John si Cong. Ronnie at kaya siya personal na nagpunta sa aktor ay para sa moral and spiritual support na rin dito.

Katulad ng kuwento ni John sa iba, binanggit din niya kay Cong. Ronnie na ang last wish niya ay makita ang anak niyang lalaki na nasa Amerika.

“He’s last wish daw in life is to see his son na nasa US who he has never met before at ngayon ay 25 years old na,” kuwento ni Cong. Ronnie.

Nabanggit din ng Ang Probin­syano Partylist representative na, “We will continue to support John, kami nina Senator Lito Lapid, Mark Lapid and Coco Martin.”

At least, nakakatuwa na maraming tumutulong kay John!

Tapings, apektado ng MECQ

Ateng Salve, paano kaya ang mga taping ng ilang Kapamilya shows ngayong naka-MECQ ang NCR (National Capital Region) at ilang karatig-probinsya?

Tatapusin kaya muna ang two weeks na MECQ bago sila makabalik sa taping?

Ngayon naman, bago pa ang MECQ announcement noong isang gabi, rest muna ang tapings ng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang sa Iyo ay Akin, Walang Hanggan Paalam (may iba pa ba?).

Ang weekly drama anthology kaya ng GMA 7 na Magpakailanman na nagbalik-taping na o magre-replay na naman?

‘Yung weekly series na sisimulan na raw ang taping at lock-in din, made-delay rin ba?

Eh, ‘yung ibang shootings ng ilang movies na nag-resume na at naka-lock-in, pauuwiin kaya muna ang cast and staff dahil MECQ ngayon?

Well...

‘Yun na!

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with