^

PSN Showbiz

Pamilya ni Mikee sumugod sa bahay nila Alex para mamanhikan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ni Mikee sumugod sa bahay nila Alex para mamanhikan

Pormal nang namanhikan ang pamilya ni Mikee Morada sa pamilya ng kasintahang si Alex Gonzaga. Noong July 25 ay nagpunta na ang pamilya ng binata mula Lipa, Batangas sa tahanan ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal upang pag-usapan ang planong pagpapakasal ng magkasintahan.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga kasama ang mag-amang sina Paul at Seve Soriano.

Ito ang kauna-unahang pagpunta ng pamilya Morada sa bahay ng mga Gonzaga. Masayang masaya si Alex dahil maayos na naisagawa ang pamamanhikan.

“Gusto ko talagang i-share sa inyo ang isang milestone sa buhay namin ni Mikee. Nag-meet talaga ‘yung parents namin. I’m so proud of you Celestine (Toni) who was very conversing, ate ko ang entertainer talaga namin. Thank you kuya Paul for visiting, thank you Seve. Thank you to the family of Mikee, kina Tito at Tita na soon matatawag ko ng Ma at Pa. Thank you very much for coming dahil kahit na mayroong nangyayaring crisis eh nakapunta pa rin kayo. Although we made sure naman na everyone is safe no’ng pumunta rito. Maraming salamat for attending the pamamanhikan. Talagang mamanhik-manaog ang pamamanhikan sa mommy at daddy ko,” nakangi­ting paglalahad ni Alex.

Tatlong taon nang magkasintahan sina Alex at Mikee at matatandaang nag-propose na ng kasal ang binatang pulitiko sa aktres bago magtapos ang 2019.

Sa ngayon ay wala pang mga detalye ang magaganap na kasalan.

“Malapit na po kaming magkaisang dibdib, dibdiban na ito. Finally mami-meet na niya (Mikee) ang walwal ng Taytay. Pagkapatay ng ilaw talagang walwalan na ‘to. Makikita mo (Mikee) na ang Yamashita treasure ng Taytay. Sa gabing ‘yon masasabi ko sa iyong isa ka sa mga pinagpala. Mga taga-Lipa, kamusta na po kayo? Ako na po ang bago n’yong kababayan,” natatawang pahayag ng aktres.

Roxanne, nakabili ng malaking condo unit

Malaki ang pasasalamat ni Roxanne Barcelo sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya simula pa noon. Nakabili ng isang malaking condominium unit ang aktres mula sa katas ng kanyang ginawang mga proyekto.

Para sa aktres ay nagbunga ang kanyang mga pinaghirapan dahil na rin sa tulong ng kanyang mga tagahanga.

“Thanks to you mga badidap and the power of hard work and claiming it. Started from the bottom, now we’re here! Started fresh, mas pina-fresh pa,” bungad ni Roxanne.

Noon ay sa isang maliit na apartment lamang nakatira ang dalaga kaya talagang naninibago siya ngayon sa bagong tirahan.

“Nagpapasalamat talaga ako sa araw-araw. Lahat ng maliliit na bagay, malalaki, pinasasalamat ko siya. As in nagte-thank you ako sa Creator ko na this is not out of privilege. I used to live in a 16-square meter apartment. Nagwa-Wild Flower ako no’n, walang nakakalam kung saan ako nakatira. As in literal na bangon para lang gumising, maligo, may maliit na CR,” pagbabahagi ng sexy actress.

Bukod sa pag-arte at pagkanta ay sumabak na rin si Roxanne sa pagiging vlogger. Mayroon ng mahigit kalahating milyon ang subscribers ng dalaga sa sarili nitong YouTube channel. (Reports from JCC)

vuukle comment

MIKEE MORADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with