^

PSN Showbiz

Teddy bear ng Pinay nahanap na dahil kay Ryan Reynolds

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Teddy bear ng Pinay nahanap na dahil kay Ryan Reynolds
Mara Soriano
STAR/ File

Super trending kahapon ang Canadian actor na si Ryan Reynolds.

Ito ay matapos niyang tulungan ang isang Pinay na mahanap ang teddy bear na ninakaw.

Na-feature sa iba’t ibang TV news programs sa Canada ang paghahanap ng ninakaw na bear ni Mara Soriano na nakalagay sa isang bag sa harap ng lilipatan nilang bahay ng kanyang fiancé na dinampot ng isang lalaki.

Ang ganda ng story dahil nasa nasabing teddy bear ang last message ng kanyang mommy kaya pilit niyang (Mara) hinahanap. Dumating sa point na namigay na siya ng leaflets para lang mahanap ang nasabing teddy bear.

Kaya ang ginagawa ni Ryan Reynold ay nag-offer siya ng $5,000 reward sa kanyang twitter page sa sinumang makakapagsoli ng nasabing special toy ng Fil-Canadian na bigay ng mommy niyang namatay sa cancer a year ago.

Eh ang followers ni Ryan Reynolds sa Twitter ay 16.2 million kaya naman umabot sa hundreds of thousands ang pumuso, nag-comment and nag-retweet ng nasabing panawagan ng actor. “Vancouver: $5,000 to anyone who returns this bear to Mara. Zero questions asked. I think we all need this bear to come home,” ang unang tweet ni Ryan kaya naman ang daming nakihanap.

Kaya nang finally ay makuha ni Mara ang nasabing teddy bear ay nagpasalamat si Ryan.

“In happier news... thank you everyone who searched high and low. To the person who took the bear, thanks for keeping it safe. Vancouver is awesome. #FoundMarasBear.”

Ang heartwarming ng story. Kaya ang netizens, natuwa sa ginawa ni Ryan at todo naman ang pasasalamat ni Mara na isang artist sa Canada sa sikat na aktor.

vuukle comment

RYAN REYNOLDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with