Chair Liza pinanindigang nasa mandate ng FDCP ang pagpapatakbo ng MMFF
Inulit ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño na nasa mandato ng FDCP ang pagpapatakbo ng mga film festival sa bansa.
Sa kanyang interview ay sinabi niyang: “Nasa mandato po namin mismo ‘yung establishment, operation and pag-run ng film festivals. And of course, as the national film agency of the country, a film festival that’s very integral in shaping the Philippine film industry, rational lang po talaga na nasa ahensya po ng FDCP ang MMFF,” banggit niya sa interview ng ABS-CBN Teleradyo.
Pinag-umpisahan nito ang pagpapatalsik kay Chair Liza bilang member ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival matapos lumutang ang sulat ng diumano’y pagla-lobby niya sa Malacañang na makuha ang MMFF sa MMDA na noon pa palang 2017.
Binanggit pa ni Ms. Liza na magkakaroon sila ng meeting ng MMDA with Presidente Duterte pagkatapos ng SONA.
- Latest