^

PSN Showbiz

DDS noon, kritiko na ngayon: Jason Abalos binira si Duterte sa gasoline disinfectant 'joke'

James Relativo - Philstar.com
DDS noon, kritiko na ngayon: Jason Abalos binira si Duterte sa gasoline disinfectant 'joke'
Makikita sa larawan ito noong 2016 ang aktor na si Jason Abalos (gitna), na binatikos ang "tip" ni Digpong para sa mga gustong mag-disinfect ng kanilang face masks sa gitna ng COVID-19 crisis
Mula sa Instagram account ni Jason Abalos

MANILA, Philippines — Hindi nagustuhan ng GMA-7 actor na si Jason Abalos ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nais mag-disinfect ng gamit na face masks, bagay na maaari pang makasama sa magsusuot kaysa makatulong sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ika-21 ng Hulyo kasi nang sabihin ni Duterte ang sumusunod para sa mga gustong i-reuse ang face masks ngunit walang alcohol o lysol:

"[I]babad mo ng gasolina o diesel, putanginang COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan. Totoo. Kung wala kayo — if you want to disinfect, maghanap ka ng gasolina. Ibabad mo lang iyong kamay mo."

Kahit na "joke only" lang ito sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, init na init ang ulo ni Jason sa kontrobersyal na strongman sa dahilang malapit ang isyu ng COVID-19 sa kanyang puso.

"Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??" sabi ng Kapuso actor, Biyernes.

"Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!"

Unang nakilala si Jason matapos sumali sa reality-based talent competition na "Star Circle Quest (Season 2)" sa ABS-CBN ngunit kasalukuyang isang Kapuso at bahagi ng GMA Artist center.

Si Abalos ay ilan lamang sa mga Kapuso at Kapamilya celebrities na vocal ngayon sa kanilang kritisismo sa presidente kaugnay ng iba't ibang isyu gaya ng COVID-19 response, hindi pagkaka-renew sa prangkisa ng ABS-CBN at Anti-Terrorism Act of 2020.

Ang "biro" ni Duterte (na kanyang sinambit nang mukhang seryoso) ay una nang hinubaran bilang walang batayan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos niyang sabihing hindi dapat ginagamitan ng gasolina ang mga face masks.

Sa katotohanan, ni hindi nga raw maaaring basain man lang ang ilang uri ng face masks sa dahilang mawawala ang bisa nito na magsala ng virus mula sa hangin.

"Ang ibang mask pwede nating labhan paulit-ulit katulad ng cloth mask at dapat natin labhan every day pagkatapos gamitin," wika ni Vergeire.

"Yung surgical mask and N95 mask, (these are for) single use only. Hindi pwede hugasan, may components ang mga mask natin na parang mga certain filtering mechanism na pag hinugasan o binasa, mawawala (ang) effect."

Video na may kaugnayan:

 

vuukle comment

FACE MASK

GMA-7

HARRY ROQUE

JASON ABALOS

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with