^

PSN Showbiz

Rita Daniela overwhelmed sa nominasyon sa 33rd Awit Awards

Pilipino Star Ngayon
Rita Daniela overwhelmed sa nominasyon sa 33rd Awit Awards
Rita

Kabilang sa mga Kapuso stars na nakatanggap ng nominasyon sa 33rd Awit Awards si Rita Daniela at itinuturing niya itong isang karangalan.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Rita ang sayang naramdaman nang malaman na nakatanggap siya kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan ng tatlong nominations kabilang na ang ‘Best Collaboration,’ ‘Best Novelty Recording,’ at ‘Best Pop Recording.’

Pahayag ni Rita, “Nahihiya po ako at nao-overwhelm din po ako kasi sobrang nakakatuwa na ma-notice ng juries ‘yung craft po namin.”

Ato Arman, nahanap na ang kanyang ‘destiny’

Handog ng Tawag ng Tanghalan finalist na si Ato Arman ang bagong single niyang Ngayong Dumating Ka Na, tungkol sa napaka-espesyal na pakiramdam ng pagkakaroon ng taong mamahalin habambuhay, na ini-release ng Star Music at iprinodyus ng TNT Records.

Ang folk-rock na kanta ay komposisyon ni Reyman Gem Alferez, at umiikot sa isang lalaki na noo’y nagdududang makakahanap siya ng isang babae na magmamahal sa kanya nang totoo. Magbabago ito nang makilala niya ang taong itinadhana para sa kanya.

Damang-dama ng mga tagapakinig ang mensahe ng Ngayong Duma-ting Ka Na dahil sa punong-puno ng emosyong pag-awit ni Ato, at ipinahayag nila ito sa lyric video ng kanta sa YouTube.

“Sobrang nakaka-touch ‘yung lyrics, lalo na at si Ato Arman ang kumanta, sobrang makabagbag-damdamin! Lalo mong mafi-feel yung message ng song dahil sa boses ni Ato,” ani QueenAldine.

“Grabe may kurot ang mensahe ng kanta... Ramdam ko ang lyrics... tagos talaga. Job well done sa nagsulat at nag-arrange higit lalo’t sa interpreter,” comment ni Gerald Dimalaluan.

Nanalo bilang first-runner up si Ato Arman sa ikalawang season ng Tawag ng Tanghalan noong 2018. Noong lumaban siya para sa pwesto sa finale ng kompetisyon bilang “ultimate resbaker,” ang rendisyon niya ng Bulag, Pipi, at Bingi ay nakakuha ng 100% combined score mula sa mga hurado at manonood.

Simula noon, tinagurian na siyang “Folk-Rock Mover” dahil sa kagustuhan niyang buhayin ang folk-rock genre para sa bagong henerasyon.

Pakinggan ang Ngayong Dumating Ka Na ni Ato sa iba’t ibang music streaming platforms habang hinihintay ang taong para sa’yo.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with