^

PSN Showbiz

Maxine nagbebenta ng karne, Winwyn abala sa pagpapandesal

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Pinasok na rin ng beauty queens na sina Maxine Medina at Winwyn Marquez ang pagiging online sellers.

Sa panahon daw ngayon na limitado ang trabaho sa entertainment business, minabuti nilang pasukin na ang negosyo na madaling asikasuhin kahit na nasa bahay lang sila.

Naging online business ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang pagbebenta ng marami niyang pre-loved clothes at ang pag-supply ng meat products. Dahil daw sa kanyang pagbebenta ng karne, natuto raw siyang magluto ng adobo, sinigang at caldereta.

Bukod sa pagluluto, naging libangan din ni Maxine noong quarantine ay ang maglinis ng kanyang bahay. Isang form din daw iyon ng exercise para sa kanya.

Si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ay natuto ng baking sa pagkuha nito ng online course. Pinakita nga ni Wyn ang kanyang mga binebenta na mga pandesal and other pastries sa kanyang social media accounts.

Naging magandang therapy nga raw kay Wyn ang baking dahil hindi na­ging bakante ang kanyang pag-iisip at lagi raw siyang nag-iisip ng iba’t ibang paraan kung paano mapapasarap ang bine-bake niyang pastries.

Magkasama pala sina Maxine at Winwyn sa iWant series na Beauty Queens kung saan co-stars nila sina Gloria Diaz, Maris Racal, Nella Dizon, and Ross Pesigan. Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan.

Solenn, G, Michelle may tribute kay Peque Gallaga

Magkakaroon ng isang tribute para sa pumanaw na filmmaker and visio-nary na si Peque Gallaga. Pumanaw ang award-winning film director noong nakaraang May 7, 2020.

Ire-release ang thriller trilogy titled Quarantina Gothika on August 1, 7:00 p.m. sa Remembering Peque Gallaga Facebook Page.

Bida sa naturang proyekto na mula sa direksyon nina Lore Reyes, Christian Acuna at Jo Macasa ay sina Solenn Heussaff, Giselle Toengi at Michelle Gallaga.

Si Solenn ay dinirek ni Peque sa Seduction noong 2013. Si G naman ay nakatrabaho ang yumaong direktor sa pelikulang Diliryo in 1997. Si Michelle na isa sa limang anak ni Peque, ay nakatrabaho ang kanyang ama sa mga pelikulang Tiyanak (1988), Shake, Rattle & Roll 3 (1991), Adventures of Gary Leon at Kuting (1992), Shake, Rattle & Roll 4 (1992), Baby Love (1995), at Agaton & Mindy (2009)

“Challenge accepted. Self shot from home in this new normal. Three women under lockdown…and in peril,” post ni Solenn sa Instagram.

Misis ni Johnny Depp, nagsalita sa ginawang pananakit ng aktor

Nilabas ng aktres na si Amber Heard sa korte ang mga naging akusasyon ng kanyang ex-husband na si Johnny Depp na nakikipag-affair siya sa iba’t ibang lalake.

Sa pag-upo ni Amber sa witness stand noong nakaraang July 20, sinabi rin nito na ilang beses siyang nakaranas ng verbal and physical abuse mula kay Depp dahil sa pagseselos nito. Kasama na raw doon ang “punching, slapping, kicking, head-butting and choking.”

“He accused me of having affairs with each of my co-stars, movie after movie: Eddie Redmayne, James Franco, Jim Sturgess, Kevin Costner, Liam Hemsworth, Billy-Bob Thornton, Channing Tatum; even women co-stars like Kelly Garner.

“He also accused me of having affairs with stars I auditioned with, like Leonardo DiCaprio. He would taunt me about it—especially when he was drunk or high—and had derogatory nicknames for every one of my male co-stars he considered a sexual threat. For example, Leo-nardo DiCaprio was ‘pumpkin-head’, Channing Tatum was ‘potato-head’ and ‘Jim Turd Sturgess’.”

vuukle comment

MAXINE MEDINA

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with