^

PSN Showbiz

Bea at Alden sumuway sa social distancing

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Bea at Alden sumuway sa social distancing
Alden at Bea
STAR/ File

Parehong naka-post na sa Instagram nina Bea Alonzo at Alden Richards ang print ad nila para sa isang brand ng shampoo at puro positive ang comments na mababasa. Ang request ng fans, pelikula na sana ang gawin ng dalawa.

Request din ng fans na sana mag-guest si Bea sa Eat...Bulaga para i-launch ang TVC nila. Siguro naman daw papayagan si Bea ng ABS-CBN lalo na nga­yon na off the air ang Kapamilya network.

Naalala tuloy namin na minsan, maggi-guest sa EB si Bea, hindi lang natuloy sa hindi alam na kadahilanan.

Anyway, ikinatuwa ng fans ang convo nina Alden at Bea sa IG ni Alden na kung saan, nagtanong ito kung sino ang nanalo sa kanilang dalawa sa staring contest? Ang sagot kasi ni Bea, siya ang nanalo na kinontra ni Alden dahil siya raw ang nanalo sa staring contest nilang dalawa.

Natawa lang kami sa comment na hindi nagpraktis ng social distancing sina Bea at Alden sa kanilang litrato dahil magkadikit na ang mga ulo, nakangiti pang pareho at si Bea, labas pa ang ngipin.

‘Kaloka ‘di ba at pati ‘yun ay napapansin ng fans.

Sarah pinaringgan sa pag-aming walang alam sa pagpapaSaRa ng ABS-CBN

Gumawa ng compilation ang fans ni Sarah Geronimo ng celebrities at nasa entertainment industry na nag-comment ng negative patungkol kay Sarah dahil daw sa pananahimik sa franchise renewal issue ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang comment ng ABS-CBN writer at producer na si Nick Villavecer na “Napasara na ang network at nagtanggalan na ng mga em­pleyado, hindi pa rin niya alam bakit hindi nabigyan ng prangkisa. Tenks na lang po sa pa-kandila.”

Ang comment ni Yong Chavez na isang ABS-CBN correspondent “Baka kailangan pa niya ng song version mga pangyayari para maintindihan.”

Nasaktan ang fans ni Sarah dahil mga taga-ABS-CBN ang mga nagko-comment ng hindi maganda. Hindi lang alam kung ano ang gagawing move ng fans ni Sarah sa mga nagpaparinig at umaaway sa misis ni Matteo Guidicelli.

Also, aywan kung matutuwa si Nikki Valdez sa comment na “some 90’s star” dahil sa tweet ng aktres na “Kayong mga fans ni Sarah G, huwag ka-yong nang-aaway. Why are you all too defensive? Kung nakikita lang ni Sarah itong mga tweets n’yo, sigurado ako malulungkot siya sa mga ginagawa ninyo.”

Curious din kami kung ano ang description ng fans ni Sarah kay DJ Chacha na tinawag nilang “plastic” dahil sa comment ng “Pwede ba SARAH G fans, wag kayong gumawa ng issue. Wala kaming issue nina Sarah at Matteo. Minsan talaga kayong mga fans ang problema. Ayos ayos ng idol n’yo, iba sa inyo wala sa hulog. Tinawag n’yo kong plastic? Why? For voicing out my opinion?”

Ang sagot ng fans sa mga nagne-nega kay Sarah, “Kayong mga ‘di sikat na artista at influenza (influencer), wag ninyong inaaway si Sarah Geronimo tapos sasabihing toxic fandom wars lang ito dahil hindi! Ano kami klaseng fans at defenders kung mag papa-cute lang kami dito sa twitter?”

Angel nasapul si Jane

Nasagot na kung sino ang pinatungkulan ni Angel Locsin sa post sa IG Story na “No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting.”

Naghulaan ang mga nakabasa sa blind item ni Angel, hanggang may nag-post ng interview ni  Jane de Leon na nagsabing, “My support to the current crisis that the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of pandemic.”

Ang reaction ng fans, Darna vs. Darna ang labanan at waiting na sila kung babawiin ni Jane ang pahayag at ang magiging reaction ni Angel kung sakali.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with