^

PSN Showbiz

Angel binura na ang ‘walang-wala ang pamilya ko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa sagutan sa Twitter nina Angel Locsin kasama ang fiance na si Neil Arce laban sa head scriptwriter ng GMA-7 na si Suzette Doctolero, ang dami tuloy nalaman ng netizens sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN.

Nabanggit  kasi ng aktres na mahal niya ang mga tao sa GMA Network, maliban sa isang tao at nagbigay pa ng clue na wala na sa network ang tinutukoy niya. Naghulaan ang netizens kung sino ang tinutukoy ni Angel at ang hula ng nakararami ay si Wilma Galvante ang taong ‘yun.

Nabanggit naman ni Neil na tama ang sinabi ni Angel na wala siyang shares sa ABS-CBN dahil ni-let go na raw ni Angel ang share niya bago ang ABS shutdown at hindi na nag-elaborate kung paano.

Sa gitna ng sagutan nina Angel, Neil at Suzette, may nag-comment na hindi totoo ang claim ni Angel na “walang-wala ang pamilya ko” nang lumipat sa ABS-CBN from GMA-7 dahil kumita ng P60M ang aktres mula sa talent fee niya sa GMA-7 at endorsements closed by GMA Artist Center that time. Alam daw ng netizen ang tungkol doon dahil nakatrabaho niya dati ang aktres noong nasa GMA-7 pa.

Ito rin ang sinabi ni Wilma Galvante sa isang interview, P60M din ang kinita ni Angel from 2006 to mid-2007 at bago nga lumipat sa ABS-CBN, na­kabili pa ng bahay worth P16M ang aktres.

Anyway, dinelete na ni Angel ang video kung saan, sinabi niyang “walang-wala ang pamilya ko” nang lumipat sa ABS-CBN para siguro matigil na ang isyu. Ang punto naman ni Suzette, iwasan ni Angel ang false claim para walang maiisyu sa kanya.

Iya walang nakahandang damit na pang-baby girl

Para talagang hindi nanganak si Iya Villania dahil ang bilis naka-recover mula sa pagli-labor. Nakauwi na siya ng bahay at sa vlog ng mister na si Drew, makikitang nakikipaglaro na sa mga anak na sina Primo at Leon. Parang hindi siya nahirapang umere.

Sa vlog, si Drew ang laging may karga kay baby Alana at mapapansin na kulay blue pa rin ang suot nito. Nabanggit ni Iya na puro kulay blue ang nabili nilang damit ng bago nilang baby dahil  buong akala niya, baby boy ang kanyang isisilang. Kapag nakapag-mall na lang daw sila ni Drew saka sila bibili ng damit na pang baby girl.

Loonyo nagpaliwanag

Pinost ni DJ Loonyo sa kanyang Instagram ang nilabas na Open Letter na nagpapaliwanag sa reklamo ng ex-GF niya na may ilang parte sa biopic niya na nilabas sa Magpakailanman.

Sa pagtatapos ng mahabang sulat, sabi ni DJ Loonyo, “Thank you to those who stay supportive, and who think before they type or click away. Thank you for your understanding.”

Kung babasahin ang comments ng kanyang fans, walang nabago sa pagmamahal at suporta nila kay DJ Loonyo at ang MPK pa ang sinisi ng iba, kaya kinailangang maglabas din ng paglilinaw ang panig ng programa.

Actually, wala sanang naging isyu at hindi magre-react ang ex ni DJ Loon­yo na si Aika Flores at ina nang namatay nilang anak kung nagsabi lang ng totoo si DJ Loonyo sa interview sa kanya ng researcher ng MPK. Hindi na sana niya iniba ang mga nangyari para walang nag-react, nalaman tuloy ang mga hindi niya ginawa para sa ina ng namatay niyang anak.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with