^

PSN Showbiz

Kapuso star Michael V positibo sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Kapuso star Michael V positibo sa COVID-19
Makikitang nakaratay sa higaan ang batikang aktor na si Michael V matapos magpositibo sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19).
Video grab mula sa Youtube channel ni Michael V

MANILA, Philippines (Update 1, 1:21 p.m.) — Inamin ng komedyante at GMA-7 actor na si Michael V na positibo siya sa nakamamatay na novel coronavirus disease 2019 (COVID-19), kanyang pagbabahagi sa kanyang vlog, Lunes nang umaga.

"Positive [ako sa COVID-19], just as what we suspected early on," sabi ni Bitoy sa kanyang Youtube channel ngayong araw.

 

 

"Alam kong hindi normal na nawala 'yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga 'yun sa COVID, pero I was also praying na sana wala. Sana allergy lang or something."

Kapansin-pansing pabago-bago ang boses ng aktor habang vini-videohan ang sarili tungkol sa video gaming consoles — bagay na mahilig niyang pagpalipasan ng oras ngayong quarantine season.

 

 

Lingid sa kaalaman ng marami, panay ubo na pala si Bitoy habang shinoo-shoot ang vlog na ito.

"Siyempre nag-isolate na agad ako, nag-quarantine na kaagad ako. I took medicine, nagpa-check up ako sa doktor online," sabi niya noong ikaapat na araw mula sa pagsisimula ng mga sintomas.

"I got better the following day, Monday. Hindi naman tumaas nang todo 'yung temperature ko. i mean, the highest was 37.1 [°C] as of kanina. Pero merong flu-like symptoms talaga."

Dama rin daw niya ang kakaibang pakiramdam sa bandang ilong. Sinubukan din daw niyang umamoy ng mga bagay na matapang sa pang-amoy gaya ng pabango, alkohol at eucalyptus, pero wala raw siyang maamoy. Isa ito sa mga sintomas ng COVID-19.

Naantala tuloy ang plano niyang mag-stream ng "The Last of Us 2," isang tanyag na PS4 video game na inilabas ngayong 2020.

Na-sideline din ang plano niyang mag-shoot ng dish washing commercial sa sariling bahay, na work-from-home style. Hindi man niya pinangalanan ang brand, katunog daw ito ng salitang "boy." Ilang taon nang kilalang endorser ng produktong "Joy" si Micahael V. 

Ayon sa batikang aktor, na Beethoven Michael del Valle Bunagan ang pangalan sa totoong buhay, itutuloy lang niya ang mga kinakailangang gawin simula nang sumama ang pakiramdam, at umaasang malalampasan ang nasabing karamdaman.

Miss na miss na rin niya aniya ang kanyang pamilya pero alam naman daw niyang kakayanin niya ang kasalukuyang suliranin: "We've been through worse."

Mapapanood si Bitoy sa GMA-7 sa hit comedy shows na "Bubble Gang" at "Pepito Manaloto," na ilang taon nang namamayagpag sa ere.

Umabot na sa 67,456 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health noong Linggo. Sa bilang na 'yan, 1,831 na ang namamatay habang 22,465 na ang nagre-recover. — Videos mula sa Michael V. #Bitoy Story via YouTube

vuukle comment

MICHAEL V

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with