^

PSN Showbiz

Ivana, hindi kinaya ang kayabangan ng suitor na may jet

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, hindi kinaya ang kayabangan ng suitor na may jet
Ivana

Naibahagi ni Ivana Alawi sa pamamagitan ng video blog ang tungkol sa isang mayamang manliligaw ng aktres sa Instagram. Nagsimula raw ito nang minsang mag-post ang dalaga tungkol sa gusto nitong kainin. “Nagki-crave ako, nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM (direct message) sa Instagram. Sabi niya, ‘Pwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet, punta tayo ng Japan, kakain tayo do’n.’ Tapos ako, sa tingin mo sasama ako sa ‘yo papunta ng Japan dahil may jet ka? No!” kwento ni Ivana.

Para sa sexy actress ay masyadong mayabang ang lalaking nagparamdam ng interes sa kanya sa social media. “Ni-reject ko ‘yon. Ang yabang, hindi siya bongga, mayabang. Pinakamayabang ‘yon, hindi porke’t may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes you have to be friendly. Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Ay! Boy, ibahin mo ako. You have to make ligaw to me or you have to be friends with me. Hindi porke’t ‘May jet ako,’ lahat ng babae sasama sa ‘yo dahil may jet ka at kaya mo akong pakainin sa Japan. Boy, meron namang mga Japanese resto dito. Ay naku! Naiinis talaga ako, hindi siya bongga, pinakamayabang. Sabi niya ako pa lang nag-reject sa kanya. Sabi ko, ‘Nye! First time mo?’” pagbabahagi ng dalaga.

DJ Chacha, gustong bumalik sa booth bago magsara ang MOR

Maraming mga empleyado ng ABS-CBN ang nakausap na ng pamunuan upang mapaghandaan na ang nalalapit na pagtatapos ng kanya-kanyang trabaho. Hanggang August 31 na lamang mananatili sa Kapamilya network ang karamihan ng empleyado dahil sa naging desisyon ng Kongreso na huwag bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Magsasarado na rin halos ang lahat ng departamento ng istasyon dahil sa pangyayari. Isa sa mahigit 11,000 na empleyadong maaapektuhan ay si Czarina Balba o mas kilala sa tawag na DJ Chacha dahil titigil na rin sa operasyon ang MOR 101.9 sa buong bansa. “Marami pong MOR sa buong Pilipinas, hindi lang sa Maynila ang mawawalan ng trabaho. Sinabi ng mga boss namin na hanggang August 31 na lang ang MOR. Nandito pa ako, may DZMM pa pero sa hindi nakakaalam, hindi ito usaping pera lang. Tahanan po ang MOR for 12 years. Hindi po retrenchment ang nagyari, nawalan talaga ng MOR. May iba pa pong department ang ABS-CBN na stop operations kaya ipagdasal n’yo po ang ibang empleyado na kagaya naming lahat,” emosyonal na pahayag ni DJ Chacha.

Pagkatapos ng kolehiyo ay agad na napasabak sa pagiging Disc Jockey o DJ si Chacha kaya talagang malapit sa kanyang puso ang radyo. “32 years old na ako ngayon, halos kalahati ng buhay ko kasama ko ang 101.9 family ko. Masakit na mawalan ka ng trabaho, pero masakit na ‘yung istasyon na ipinuhunan mo ‘yung pawis mo, bago kami naging no. 1 FM station, ‘yung hirap na pinagdaanan ng buong MOR team,” pagpapatuloy niya.

Ipinatutupad pa rin sa iba’t ibang lugar sa bansa ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Ang tanging hiling lamang ni Chacha ngayon ay muling makabalik sa mismong radio booth bago pa tuluyang magsara ang MOR sa susunod na buwan. “Sana payagan ng ABS na kaming lahat na makapag-ere sa loob mismo. Kahit nakakatakot lumabas, gusto namin sa huling 45 days, nando’n kami sa loob ng bahay namin,” pagtatapos ni DJ Chacha.   (Reports from JCC)

vuukle comment

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with