^

PSN Showbiz

Marian, proud mom

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian, proud mom
Zia
STAR/ File

Proud moom si Marian Rivera sa masipag niyang panganay na si Ate Zia na mapapanood sa latest video ni Kapuso Primetime Queen.

Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang nag­huhugas ng kubyertos ang anak na nakasuot pa ng cute na pink apron. Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak niya ng mga gawaing bahay sa murang edad nito. Karamihan nga kasi sa mga bata ngayon ay gadget ang pinagkakaabalahan.

At least si Zia, gawaing bahay lalo na ngayong wala pa ring definite kung kailan nga ang opening ng classes dahil sa health crisis pa ring kinakaharap ng bansa.

Matatandaang ikinuwento ni Marian sa nakaraang guesting sa online All-Out Sundays show na may sistema silang sinusundan ngayon sa bahay, “Dinivide namin ‘yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, ‘yan na ‘yung bonding namin.”

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with