^

PSN Showbiz

Kylie nagde-detox sa social media

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kylie nagde-detox sa social media
Kylie

Dumanas ng depression

Ilang buwan nang magkasama sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca sa iisang bubong mula nang ipatupad ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa. “We decided to do the lockdown together. Kasi parang mas maganda na kasama namin ‘yung isa’t isa kaysa we are not together. May aso kami, siya ang nag-aalaga ng mga aso tapos ako ‘yung nagluluto,” pagtatapat ni Kylie.

Kamakailan ay nakaranas ng depresyon ang beauty queen-actress kaya malaki ang pasasalamat nito kay Jake na siyang nag-alaga sa kanya.

Malaking bagay din na mayroong komunikasyon si Kylie sa kanyang pamilya na nakabase naman sa Baguio. “Super saya, masaya na nakakausap ko pa rin ‘yung family members ko at nakakatulong siya sa health natin overall. Ngayon mas aware na ako sa kailangan kong gawin for my mental health. So mas natutulog ako nang maaga. I really try to have a certain schedule na susundan ko. Na-realize ko na kapag may schedule ako na sinusundan, mas may direction, may focus ang araw ko. So hindi ako masyadong flustered,” paglalahad niya.

Para kay Kylie ay malaki rin ang naitutulong ng pag-iwas niya sa social media upang hindi makaranas ng depresyon.  “It’s important to always have certain detox time sa social media. Kasi naaapektuhan din ako kapag nakakarinig ako ng malungkot. Nagde-detox talaga ako sa social media two, three days. Important sa akin ‘yon,” pagtatapos ng dalaga.

Maymay, nagpinta nang nagpinta

Nagkaroon ng hilig si Maymay Entrata sa pagpi­pinta ngayong panahon ng community quarantine. Dahil limitado pa ang trabaho ay kinailangan daw ng aktres na mayroon ibang pagkaabalahan upang malibang.

“Kasi alam ko sa sarili ko na may anxiety ako dati. Tapos ayaw ko bumalik ulit iyon. Ngayon kapag naiinip ako hindi ko nili-link ang sarili ko na gawin ‘yung mga hindi ko pa nagawa gaya ng pagpi-painting. Workout, kasi hindi ko nakasanayan ‘yung pagwo-workout. At saka mas lalo ko pang naaalagaan ‘yung sarili ko, ‘yung kalusugan ko kasi mahina ang immunity ko kaya dito ko lang binuhos na maging healthy ako. Itong quarantine na ito, ang dami kong natutunan,” pagdedetal­ye ni Maymay.

“Itong quarantine sabi ko parang gusto ko mag-pain­ting pang-release ng negative energy kapag punong-puno ka na or papuntang stress ka na. So try ko ngang mag-painting. No’ng nag-painting ako kahit hindi maganda pero nakakatulong siya kasi na-release ko ang emotion,” dagdag pa ng aktres.

Kahit may ilan nang naipinta si Maymay ay wala pa naman daw siyang plano na ipagbili ang mga ito. “Hindi, sa bahay lang. Siguro sa pagtanda ko kapag marami na akong na-paint, sa inyo na ito kung gusto n’yong bilhin,” giit ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with