^

PSN Showbiz

Nag-iimbita pa ng co-performers

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Female singer/actress, laging may pa-concert sa mga kapitbahay

Nagdiwang ng kaarawan ang isang kaibigan ng isang kilalang female personality. Dumalo siya sa simpleng selebrasyon. Sinunod nila ang lahat ng protocol ng DOH para sa kanilang kaligtasan sa COVID-19.

Ilang hakbang lang pala ang layo du’n ng bahay ng isang kilalang female singer-actress. Palagi raw na may report sa kanilang subdivision ang babaeng personalidad dahil sa kawalan ng pakialam sa kanilang mga kapitbahay.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang pala siya singer sa harap ng mga camera, talagang hindi niya maiwasang kumanta kahit nasa bahay na siya.

“Mahilig siyang mang-imbita ng mga kaibigang ­si­ngers din, kantahan sila nang kantahan sa bahay niya, kaya nabubulabog ang mga kapitbahay nila.

“Okey lang sana kung maaga pa silang nagkakantahan, pero inaabot sila nang madaling-araw, ‘yung tahimik na sa buong subdivision dahil natutulog na ang lahat ng mga residente.

“Natural, nagagalit ang mga neighbors niya, hindi lang naman kasi paminsan-minsan nangyayari ang ganu’n, napakadalas!” unang kuwento ng aming impormante.

Magaling na singer ang female personality, mahuhusay ring kumanta ang mga iniimbitahan niyang singers, parang nanonood ng libreng musical show ang mga tagaroon kapag nagkakasiyahan sila.

Balik-kuwento ng aming source, “Maganda lang ‘yun sa una, kilalang-kilala kasi ang mga singers na nandu’n. Pero kapag inaabot naman sila nang madaling-araw na sa kangangawa, e, talagang maiinis na sa kanila ang mga taga-subdivision!

“Walang celebration kapag nagkakasama-sama sila, basta type lang nilang kumanta nang kumanta, na hindi naman siyempre type ng mga nabubulahaw nilang kapitbahay!

“Nu’ng mag-report ang mga kapitbahay niya, e, medyo dumalang na ang live show nila sa bahay, pero after a few weeks, ganu’n na naman! Balik na naman sila sa pagkakantahan hanggang sa halos sumikat na ang araw!

“Kung gaano siya kaingay sa subdivision na tinitirhan niya, e, ganu’n din siya kaingay ngayon sa social media! Marami siyang inaaway na pulitiko, meron siyang kinakampihang kulay!

“Kakambal na pala talaga niya ang ingay, kung ganu’n! Lagot!” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Dahil sa bintang na laos Sharon pinakakawalan na lahat ng galit

Nasa kundisyon talaga si Sharon Cuneta sa pagpatol sa mga bashers. Kumbaga sa isang boksingero ay nag-ensayo siya nang mahabang panahon, nagpalakas siya, para mapatumba niya ang mga kalaban.

Matagal na ipinanahimik lang ng Megastar ang mga pananakit-panlalait sa kanya ng mga bashers, wala siyang panahon, pero ngayon ay lumalabas na ang kanyang mga pangil sa pagsagot.

Sabi ng isang nakakuwentuhan naming female personality, “Isa sa pinakamasakit na salitang nakapananakit talaga sa mga artisang tulad namin, e, ang sabihan kang laos.

“Sobrang sakit nu’n! Para bang walang kasaysay-saysay ang mga effort na ginawa namin nang mara­ming dekada! Ramdam ko nang malayuan ang napi-feel ngayon ni Shawie. Ang sabihan kang laos na, talagang nanununtok ‘yun!” sabi ng kausap naming babaeng personalidad.

Kahit pa sinasabi ng iba na positibo pa rin para kay Sharon ang nasabihang laos siya dahil hindi naman puwedeng sabihan ng laos ang hindi sumikat ay nangangagat pa rin ang salitang ‘yun sa kanya.

May mga nagkokomentong nakakaumay na ang mga litanya ni Sharon, sana raw ay rendahan niya ang kanyang mga daliri sa pagpo-post, ang minsan-maka­lawa ay ayos lang pero kapag palagi na lang siyang nakikipag-away ay kalabisan na.

Pero tinututukan pa rin naman nila ang mga posts ng Megastar, pinagpipistahan nila ‘yun, parang bagong ulam na tinitikman nila ngayon.

Dumarating talaga tayo sa sangandaan ng buhay. Kakanan ba tayo o kakaliwa? O gigitna na lang? Kailangan nating manindigan.

Mahirap lang ang sitwasyon ng mga artista dahil kumanan man sila o kumaliwa ay may masasabi pa rin laban sa kanila. Kapag gumitna naman sila ay sigurado ang kanilang pagkasagasa.

Sa pananaw naman ng iba ay tama lang ang ginagawa ngayon ni Sharon, kailangan niyang maglabas ng kanyang galit, dahil baka siya magkasakit sa puso.

Isa kasi ang galit na hindi nailalabas sa mga dahilan kung bakit inaatake tayo. Mahirap magkimkim ng galit at tampo. Pinakakawalan dapat ‘yun.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with