^

PSN Showbiz

Hubarang series ni Marrki, box office ang pirated copies!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Hubarang series ni Marrki, box office ang pirated copies!
Marrki Stroem at Mike Liwag

MANILA, Philippines — Nagpista ang kabekihan online dahil sa kumalat na pirated copies ng digital anthology series na Unlocked.

Napirata nga agad ang episode na dinirek ni Adolf Alix sa Unlocked na Andrew & Brix kung saan tampok ang maiinit na eksena nila Marrki Stroem at Mike Liwag.

Dapat ay sa Asian Gay streaming service na GagaOOLala lang mapapanood ang Unlocked. Pero madali lang palang i-pirate ang anumang digital film or series. Kaya mapapanood na ito ng libre dahil in-upload na ito sa Twitter at YouTube.

Kaya naman pala pinagkaguluhan ang natu­rang episode dahil sa walang takot na paghuhubad ni Stroem at Liwag sa kanilang lovescenes. Kapwa sila hubo’t hubad at ramdam ng mga beki na nagkikiskisan ang kanilang mga private parts.

Ito na raw ang pinaka-daring na eksena na ginawa ng singer-actor-model na si Stroem.

 “I had such a blast working with Direk Adolf Alix again. He is so easy to get along with and very systematic and professional how he handled the project. Due to quarantine, we shot a day after MECQ ended. We had stayed home 2 weeks prior and felt safe to work with a small cast and crew. The shoot was quick and very organized. I felt safe while shooting the love scenes.”

Unang nakilala si Markki Stroem bilang contestant sa season one ng Pilipinas Got Talent. Nakatapos ito ng marketing management degree sa Switzerland, pero ang pagiging singer and songwriter ang pangarap niyang gawin.

Pero nalinya sa pagpapa-sexy si Markki at nakuha pa siyang endorser ng Bench Body underwear ng ilang taon.

Nabigyang malisya pa ang pagiging close niya sa aktor na si Marvin Agustin dahil sa mga photo nila on social media na magkasama sila sa ilang trips abroad ng aktor.

Ayon kay Stroem, ang relasyon daw niya kay Marvin ay purely business. Magkasosyo daw sila ng aktor sa ilang restaurant businesses nito kaya nakikita silang magkasama parati.

Aktor na hindi nag-take off ang career dahil sa lockdown, nilayasan ng ka-live in na starlet

Balitang on-the-rocks na raw ang relasyon ng aktor at ng ka-live in niyang female starlet. Ang dahilan nga ng away nila parati ay pera.

Tila papunta na sa wala ang career ng aktor dahil sa mga bad decision nito. Maganda na raw ang estado niya sa isang TV network dahil unti-unti na siyang nagbibida, pero umakyat ang yabang sa ulo nito at nag-ober da bakod ito sa rival network.

Hindi pa man nagsisimula ang lalabasan niyang teleserye ay biglang nagkaroon ng lockdown kaya shelved na ang project niyang ito. Pati na ang dalawang pelikula na gagawin niya ay mukhang hindi na rin matutuloy.

Ang female starlet na ka-live in niya diumano ang gumagastos para sa kanilang dalawa noong magkaroon ng lockdown. May online business kasi si female starlet kung saan nabebenta siya ng essential goods kaya kahit paano ay may kinikita siya kahit walang showbiz project.

Tamad at puro yabang daw ang lumabas sa bibig ng aktor na tila nasaid na raw ang savings dahil sa hindi maiwasang paggastos dahil sa lifestyle nito. Akala raw kasi nito ay magsusunud-sunod ang grasya na darating sa paglipat niya, kaso waley na naganap sa career niya.

Ayon sa isang source, nakita ang female starlet na lumabas sa condo building nila ng aktor na may mga dalang mga maleta. Mukhang tinototoo na nitong iiwan na niya ang mayabang na aktor na wala nang career na matatawag.

Naya Rivera ng glee presumed dead na

Mukhang may sumpa sa cast ng TV series na Glee dahil may panibagong cast member na pumanaw.

Presumed dead and missing ang Glee star na si Naya Rivera pagkatapos na matagpuan ang nirentahan nitong boat sa Lake Piru in Ventura County na wala siya at nakasakay lang ay ang four-year old son nito na si Josey.

Gumanap bilang Santana Lopez si Rivera for six seasons sa musical-comedy series na Glee.

Nag-rent si Rivera ng boat sa Lake Piru ng 1:00 PM on Wednesday. Noong hindi raw niya ito naibalik ng 4:00 PM, pina­hanap ito ng may-ari at natagpuan ang boat sa area ng lake kung saan ang lalim ng tubig ay higit 30 feet.

Sakay lang ng boat ay ang anak ni Rivera na naka-life jacket. Ang adult life jacket, purse, wallet ang ID ng aktres ay nasa boat din.

Ang dapat na rescue mission ay naging recovery mission na dahil “presumed dead” na ang aktres.

“I can’t make any sense of what happened. We just know that we found a 4-year-old on a boat, and he said that his mother never got back in... So, right now, we’re viewing this as a tragic accident,” ayon pa sa report ng Ventura County deputy.

Malamang daw ay lumangoy si Rivera sa river at baka na-entangle ang paa nito sa mga sanga-sangang halaman sa ilalim ng river.

 “The lake has very low visibility with numerous plants and trees in the search area, making it unsafe for divers and a more complicated search. If the body is entangled in something beneath the water, it may never come back up,” diin ng deputy.

Higit na 80 people ang nasa recovery mission para mahanap ang katawan ni Rivera. Aabutin kasi ng 7 to 10 days bago lumutang ang katawan sa ibabaw ng river.

Sa CCTV video, makikitang si Rivera at ang anak nito ang sumakay lang ng boat.

Si Rivera ang ikatlong cast member ng Glee na pumanaw dahil sa isang trahedya. 

Unang pumanaw ay si Corey Monteith, who played Finn, na pumanaw noong July 13, 2013 dahil sa drug overdose sa isang hotel room in Vancouver, Canada. 

Pangalawa ay si Mark Salling, who played Puck, na nag-suicide by hanging sa Los Angeles noong January 30, 2018. Inaresto at kinasuhan si Salling for possession of child pornography.

 

vuukle comment

MARRKI STROEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with