^

PSN Showbiz

Max maayos na nakapanganak sa bahay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Max maayos na nakapanganak sa bahay
Nanganak si Max noong Lunes (July 6) sa pamamagitan ng water birth sa kanilang bahay.
STAR/ File

Nasilayan na ng kanilang fans at followers ang baby boy ng Kapuso couple na sina Pancho Magno at Max Collins na si Skye Anakin.

Nanganak si Max noong Lunes (July 6) sa pamamagitan ng water birth sa kanilang bahay.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng proud dad ang one minute video kung saan mapapanood si Max na karga ang kanilang baby boy matapos manganak.

Sinamahan pa niya ito ng sweet message.  “To our Son, Skye Anakin, you are one of the reasons why I believe in God. Can’t wait to be your bestfriend. To my amazing wife, you are also one of the reasons why I believe in God, you did everything with no medications and no tear. There are NO WORDS to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a Mother.”

Pinasalamatan din ni Pancho ang kanilang doula at midwives na part ng delivery team ni Max na tiniyak ang kaligtasan nito at ng kanilang baby boy.

Yes or no, hawak na ng kamara

May nakakaalam na ng number of Yes and No sa naganap ng botohan sa renewal of franchise ng ABS-CBN.

Pero hindi pa alam ng ibang napagtanungan ko kung ngayon na ito malalaman ng network or tomorrow or baka raw i-dribble pa at umabot pa hanggang sa SONA ng pangulo.

Kaya naman, puro dasal na lang daw ang ginagawa ng lahat ng artista at empleyado ng network.

Samantala, tiniyak ni ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes na patuloy na ibabahagi ng network ang mabubuting asal sa mga programa at nangakong pagbubutihin pa ang kalidad ng mga palabas nito kung bibigyan ang network ng bagong prangkisa.

“Rest assured po na iisa po ang ating layunin na mapangalagaan ang moral at

spiritual values ng pamilyang Pilipino. We tell po stories that teach life lessons and our stories po embody Filipino values, like hardwork, honesty, respect, resilience, and most of all love for family, country, and God, dahil ang sentro ng aming mga kwento ay ang pamilyang Pilipino,” pahayag ni Vidanes sa pagdinig sa Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong Lunes (Hulyo 6).

Nang tanungin kung ano ang kabuluhan ng mga programa nito sa lipunan, sinabi ni Vidanes na patuloy na aayusin ng network ang mga palabas nito dahil pinapahalagahan nito ang mga manonood nito at sinisikap nitong matugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang miyembro ng pamilya.

“We will continue to be responsible content producers that make a positive influence in the lives of the Filipino. Maganda po ang hangarin namin. We want to entertain, inspire, and give hope to the Filipino audience,” ani Vidanes.

Sinabi rin ni Vidanes na may regulasyon sa mga programa ng network at na agad nitong tinatama ang mga mali sa kanilang paghahatid ng de-kalidad na palabas sa mga manonood.

“If there are infractions, we correct them right away. And definitely, we apologize to our audiences,” aniya.

Nangako naman si Vidanes na personal niyang papangasiwaan ang mga producer niya para ituwid ang mga mali nito.

“It’s not about us, it’s about the people we serve, and that’s what we’ve dedicated our lives to. We will continue to improve that service. As I said earlier, we may have our imperfections, but we are going to move forward and we will work at improving our content,” sabi ni Vidanes.

Tiniyak din ng lady executive na magkakaroon ng mga pagbabago sa mga palabas ng ABS-CBN kung mabibigyan ito ng 25-taong prangkisa.

“I take note of all insights, all the observations. And moving forward po, we will make sure we address them,” aniya.

Sana nga.

Pero kung No ang makukuhang boto ng network, nasa 70 milyong mga Pilipino diumano na tumututok sa ABS-CBN kada linggo para sa balita. impormasyon, at kasiyahan ang mawawalan ng papanoorin

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with