^

PSN Showbiz

Pa-acting workshop ni Gladys, dinagsa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pa-acting workshop ni Gladys, dinagsa
Gladys

Tuwang-tuwa si Gladys Reyes na kinuwento sa aming nahati raw niya sa tatlong batch ang mga estudyante niya sa kanyang Online Acting Workshop.

Nagsimula na siya nung Lunes, July 6 at hanggang 19 ito. Hindi raw niya akalaing naparami ang nagpa-enroll sa kanya kaya hinati-hati niya ito.

Ginawa raw niyang tig-sampung participants para mas natutukan daw niya nang husto.

Ang isa pang ikinatuwa niya, marami pa raw mga mommy ang nag-inquire sa kanya kung puwede raw magpa-workshop din siya para sa mga bata.

“Kaya pinag-isipan ko pa nga Kuya Gorgs kung magpa-acting workshop din ako sa mga bata.” Natawa naman si Gladys nang tanungin ko siya kung ano ang masasabi niya na meron ding pa-acting workshop si Cherie Gil.

“Talagang mga kontrabida talaga ang nagpapa-acting workshop Kuya. Ang bongga di ba?” natatawang pahayag ni Gladys.

Lalo siyang natawa nang sinabi ko sa kanyang, at least hindi siya puwedeng tarayan ni Cherie ng ‘you’re nothing but a second rate trying hard copycat!” dahil siya ang nauna kay Cherie.

Mas masaya raw na marami, at nakakatuwa dahil kahit hindi pa talaga nakakabalik nang husto ang entertainment industry, marami pa rin ang interesadong mag-artista.

Kapamilya star, gustong saluhin ng pulitiko

Kung sinu-sinong pulitiko ang nakasabay kong nagdatingan sa burol ng kaibigan naming si Camarines Sur Congresswoman Marissa Andaya sa  Heritage Memorial Park nung nakaraang Martes ng hapon.

Sinubukan kong mag-eavesdrop sa tsikahan ng ilang Congressmen na ang franchise ng ABS-CBN 2 ang pinag-uusapan.

Pero hindi ikatutuwa ng mga taga-Kapamilya network ang pinag-uusapan nila. Kaya kahit hindi naman ako taga-Dos, kinakabahan ako sa kalalabasan ng kanilang botohan.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, ngayong araw daw ang summation ng committee at magbobotohan na raw pagkatapos.

Marami na akong naririnig na hindi gaanong maganda sa panig ng ABS-CBN 2 pero tsismis lang naman iyon.

May basehan naman daw sila kung bakit iyun ang napagdesisyunan nilang boto.

Kaya napapag-usapan na rin kung ano na ang posibleng gagawin ng ilang mga artista. Isang magandang aktres nga ang tinatarget ng isang pulitikong katsikahan ko minsan. Tinatanong ako kung puwede ko raw ba itong ipakilala sa kanya.

Sabi ko, hindi kami magkakilala nung aktres pero knows na knows ko kung sinong pulitiko ang may hawak sa kanya.

Kaya sabi nga ng ilang mahaderang bading, hindi raw dapat mabahala itong si magandang aktres na ito dahil kahit hindi na siya magkaka-programa kung sakaling tuluyan nang magsara ang ABS-CBN 2, dahil well-maintained naman siya ng super yamang pulitiko.

Naiintriga lang talaga ako sa magandang aktres na ito bakit ang daming pulitikong nahuhumaling sa kanya.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with