^

PSN Showbiz

Piolo, main attraction sana sa SONA?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, main attraction sana sa SONA?!
Piolo
STAR/ File

Ang ganda siguro ng naisip na idea ni direk Joyce Bernal para sa SONA na kukuhanan sana sa Sagada. At sure akong malakas ang dating no’n dahil si Piolo Pascual sana ang magiging main attraction.

Bongga dahil ang ganda ng Sagada, eh damitan mo pa ng Igorot costume si Piolo, wow, sexy ‘di bah!

Pero hayun nga, dahil in all fairness maganda ang standing ng Baguio pagdating sa COVID-19, mahusay ang naging pag-iingat nila kaya mababa ang record kung mayroon mang coronavirus.

Naging mahusay ang handling ni Mayor Benjamin Magalong kaya dapat lang na sundin ang strict protocol na ginagawa niya.

Mukhang pinaghandaang mabuti ang SONA para umabot pa ng Sagada ang location nila, watch ko iyan, Salve, para makita ko kung ano ang ipinalit sa Sagada scenes ni Piolo Pascual.

Sad reality…

Sa totoo lang, sagad ang inggit ko sa mga manager na mayroong mga alagang may guaranteed contract ngayong pandemic.

Imagine na kahit walang trabaho, mayroon silang pay. Kaya siguro nag-panic ang ilang managers nang mabalitaang suspended ang contract ng ilang stars sa ABS-CBN kasi nga naisip nila na puwede ding gawin iyon ng ma-nagement ng GMA at wala namang magagawa dahil saan tatakbo ang talent mo, eh may problema nga ang ABS-CBN?

Tapos, ‘yung balitang mga blocktimer ng TV5 ganoon din ang gusto, discounted price din sa kukunin nilang talents.

So, to be real, paano mo aayusin ang problema kung sakali at magmatigas ang GMA sa price cut at mag-impose din ng suspension of contract?

What will stop GMA to continue replay­ing shows? Seventy years old sila, gaano kadami ang library nila ng films at TV shows?

As of now, the problem is jobs. Kayanin kaya ng freelance talents na magtagal nang walang trabaho? Kayanin kaya ng guaranteed contract stars na magmalaki kung sakaling suspended ang kanilang contracts?

Staggering ang loss ng lahat ng business, grabe ang cost cutting kahit sa commercial loads.

Kahit anong advertising ang gawin mo, ang basic needs lang ang kailangan ng tao ngayon, reality bites hard but sorry, ito ang reality.  Quo Vadis, what? Give me a clear answer on this please....

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with