^

PSN Showbiz

Magka-live in na celebrity, ubos na ang kredibilidad sa relasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-alala ang mas nakararami na baka sa mga susunod na panahon ay wala nang maniwala sa mga kuwentong inilalabas ng isang showbiz loveteam.

Galit-bati ang kanilang relasyon. Kapag nagkakaroon sila ng problema ay agad nang naka-press release ‘yun. Natural, pinagpipistahan naman ‘yun, pero wala pang ilang araw ay magkabati na uli sila.

Kuwento ng source, “Alam n’yo, darating ang araw na kahit pa magsisigaw sila sa ituktok ng bundok tungkol sa break-up nila, e, wala nang maniniwala sa kanilang dalawa!

“Kahit pa mag-umiyak ang girl dahil sa hiwalayan nila, e, wala nang papansin sa kanilang dalawa! Para naman ka­sing ginagawa lang nilang laro ang relasyon nila, e!” unang sultada ng impormante.

Kapag tinatanong ang magka-loveteam sa harap at likod ng mga camera ay puro pabitin lang ang kanilang sagot. Ginagawa nilang parang blind item ang pagmamahalan nila.

Balik-kuwento ng aming source, “Para kasing part na ng relasyon nila ang pagkakagalit at pagbabati rin naman agad-agad. Parang nilalaro hindi lang ang taumbayan kundi pati ang sarili nila!

“Pangiti-ngiti lang sila kapag nauurirat, parang pahulaan pa kung ano ang nangyayari sa relasyon nila, pero saan ka, magkasama naman sila!

“Hindi naman pala sila naghihiwalay, sila pa rin naman pala, pero iba ang pinalalabas nila in public!

“Naku, tantanan na nila ang mga ganu’ng drama! Aling Charing, bulok na ang saging! One day, kahit ano pa ang sabihin nila tungkol sa kanilang relasyon, e, wala nang bibili sa paninda nilang gimmick!

“Magpakatotoo na sila, huwag nang gumawa pa ng kung anu-anong drama na kesyo tapos na ang relasyon nila, na kesyo napag-isip-isip nila na mas magiging productive sila kapag naghiwalay sila!

“Tantanan na ang mga ganu’ng drama dahil sino ba ang unang-una nilang niloloko, di ba, ang mga sarili nila mismo?

“Hiwalay na raw sila, pero nakatira pa rin naman pala sila sa isang bubong, magka-live-in pa rin! Haaay, nakakaloka ang dalawang ito!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sharon may pangaral ang pagpapatawad

Pinatawad na ni Sharon Cuneta ang kanyang dating publisistang nagpabula sa kanyang bibig ilang linggo na ang nakararaan. Hindi na niya kakasuhan si Ronald Carballo.

Pero kung aanalisahing mabuti ang post ng Megastar sa kanyang pagpapatawad ay nandu’n pa rin ang pangu­ngunsensiya at sarkasmo.

‘Yung sinabi niyang nagpapakilalang Kristiyano ang kanyang dating publisista, pero hindi naman ito kumikilos na Kristiyano, masakit ‘yun.

‘Yung sinabi ni Sharon na makapagpapatawad siya, pero pag-aaralan pa niyang makalimot, masakit din ‘yun.

At may kakambal na pangaral ang kanyang post. Sana raw ay gamitin ng reporter ang kanyang talento sa pagsusulat nang tama. Manumbalik daw sana sa Panginoon ang dati niyang publisista.

At gamitin daw sanang behikulo sa pagbabago ni Ronald Carballo ang pagkakataong ito. Makapulot daw sana ito ng leksiyon sa nangyari sa kanilang pagitan.

‘Yun lang daw ang gusto niyang ipaabot sa reporter na nagpakulo ng kanyang dugo dahil sa paninira sa kanyang asawa at mga anak. At sa kanya na rin.

Nagpapasalamat naman si Ronald Carballo sa sinabi ni Sharon na hindi na ito kakasuhan dahil sa kanilang pinagsamahan. Sana raw ay magkita sila isang araw para magkausap nang personal.

Bakit naman hindi, napakaliit lang naman ng mundo ng showbiz, maaaring isang araw ay magkrus din ang kanilang landas.

Pero ang hangad ng reporter na manumbalik ang dati nilang samahan ay mahirap nang mangyari. Kumbaga sa baso ay may matindi nang lamat ang kanilang pagkakaibigan dahil may isang bumitiw sa kanilang sumpaan.

Sa isang kuwentong nabasa namin ay pinaalis ng hari ang isa niyang alagad sa hapag. Ang sabi ng hari, “Kaya kong kumain na kasabay ang isang magnanakaw, pero hindi ko masisikmurang lunukin ang pagkain na kasabay ko ang isang huwad na tauhan.

“Minsan na niya akong ipinagkanulo, hindi ko na hihintayin pa ang ikalawang pagkakataong gawin niya uli sa akin ang katrayduran,” napakadiing mensahe ng hari sa kanyang mga kaharap.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with