^

PSN Showbiz

Comeback show ni Kris, nagkaproblema

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Comeback show ni Kris, nagkaproblema
Kris

Sinulat ni Cristy Fermin na accor­ding sa isa niyang reliable source, baka hindi matuloy ang show ni Kris Aquino sa Channel 5.

Siguro naman totoo ang source ni Cristy, kaya nalungkot ako kasi matagal nang hinihintay ng lahat ang sana ay bagong show ni Kris.

Ang ganda-ganda pa naman ng make-over niya ngayon, bagay pa naman sa kanya ang bagong hairdo at medyo nadagdagan ang timbang niya.

Sana naman ay may paraan pa para maayos kung anuman ang dapat ayusin para matuloy ang show ni Kris.

Matagal nang hinihintay ang pinag­handaang show na magbabalik kay Kris Aquino sa limelight. Sayang naman. Sana huwag mabigo ang mga naghihintay, at sana makita muli ang brilyo ni Kris sa TV.

Wait tayo sa further development. Wish you luck, Kris.

‘RIP Rep. Marissa Andaya’

Na-sad naman ako sa natanggap kong balita kahapon ng umaga na yumao na ang batang-batang congresswoman ng Camarines Sur na si Marissa Andaya. Ito ang parang ninang ni Gorgy Rula, dahil feeling niya adopted daughter siya ng CamSur.

Nakakapanghinayang mawalan ng isang kaibigan na tulad ni Cong. Marissa Andaya na napakabait, very humble at bestfriend nina Andeng Ynares at Precy Ejercito.

Naiwan ni Marissa ang asawang si Nonoy Andaya at dalawang anak.

So sad, but you will always be remembered and never forgotten, Cong. Marissa Andaya. Rest in peace. Have a spiritual journey. 

Beso-beso nakaka-miss na

Siguro, Salve, mas maganda nga sa isang tao ang maging touchy, ‘yung mada­ling magpakita ng emosyon.

Maganda rin siguro ang ugali na mahilig kang mag-beso, mag-hug, at magsabi ng I love you, dahil tingnan mo ngayon, may social distancing, bawal na beso-beso, bawal na ang hug kaya bigla mong mami-miss ang mga ganoong pagbati.

From now on, ‘til the time na puwede na naman nating gawin ang terms and signs of endearment na ito, cherish na lang natin ang memories nang buong laya pa natin nagagawa ang ganoon.

Hugs, kisses, at I love you na lang ang puwedeng sabihin. Selos kasi si coronavirus kaya hayan. 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with