^

PSN Showbiz

Kapamilya at Kapuso stars, bibida sa mga bagong programa ng TV5?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Maaaring ngayong araw o bukas ay pagbobotohan na ang Kongreso sa franchise ng ABS-CBN 2.

At sana maganda ang kalabasan dahil marami pa rin ang umaasang mapapagbigyan ang ABS-CBN 2.

Isang kongresista ang nakausap ko at ipinaliwanag niyang kung ano man ang napagdesisyunan nila ay may basehan daw ‘yun.

Kasabay nito ay may usap-usapang magiging active muli ang TV 5 dahil may mga naka-line up na raw na mga programang ipu-produce.

May ibang producer na gustong bumili ng oras sa Kapatid network kung saan gagawa sila ng mga programang posibleng pagbibidahan ng mga Kapamilya stars.

Pati ilang Kapuso stars ay meron din daw naka-line up na programang ipalalabas sa TV 5.

Napagtanungan ko na ang ibang nagpu-produce at hindi nila itinatanggi o kinu-confirm. Basta confidential lang daw muna ang lahat.

Baklaan series, pumatok

Lalong lumalakas ang buzz sa BL series particular na ang Gameboys na kinakiligan na ng mga kabadingan pati ang kababaihan.

Ang dami nang natutuwa sa tambalan nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, kaya ang dami nang gustong interbyuhin ang dalawa.

Nung nakaraang Linggo ay na-feature sila sa CNN Philippines kung saan in-interview sila via Zoom ni Menchu Macapagal. Obvious na hindi sila nakilala ni Menchu at walang ideya sa BL series na ito, kaya nagkamali siya ng pagtawag kay Elijah na Elijah Santos.

Akala niya siguro kaapelyido ni Elijah si Kokoy de Santos na tinawag niya uling Elijah Santos sa kanyang extro.

Pinaglaruan tuloy ng fans at naging trending sa Twitter nung gabing iyun ang hashtag na #Elijah­Santos at #ELIKOYonCNNPhilippines.

Sinakyan din nina Kokoy at Elijah ang pagkakamaling iyun sa CNN Philippines; nag-tweet si Kokoy ng “Narinig niyo po mismo, LIVE sa CNN. Official na ‘Elijah Santos’. Kami na!!! Chareng! Thanks for watching guys! Love you all!! Stay safe (heart emoji).”

Nag-react dun si Elijah ng “Luh”, kaya kinilig-kiligan naman ang mga fans ng dalawa.

Bukod sa Gameboys, malakas din ang dating ng Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara na umabot na ng mahigit isang milyong views at talagang pinalakas ng mga taga-ABS-CBN 2 sa social media kaya na-promote nang  mabuti.

Hunk starlet, nagpaliwanag sa pag-attend ng pool party 

Nag-react ang hunk starlet sa blind item nating lumabas sa PM (Pang Masa) kahapon na kung saan namataan silang naki-party party kasama ang hunk commercial model.

Nagpaliwanag si hunk starlet na hindi raw niya kilala ang hunk commercial model na iyun na minsang nasangkot sa droga at na-link sa isang guwapong aktor.

Kinaray lang daw siya ng kaibigan niyang girl na ang sabi ay sila-sila lang daw na mag-swimming.

Nagulat daw siya nang ang dami nang nagdatingan at ang dami na raw nilang nag-pool party.

Hindi raw niya kilala ang mga nandun, kaya medyo humiwalay na raw siya.  Kaya lang tinawag siya para magpa-picture at halos lahat doon ay naki-picture sa kanya.

Sabi niya, hindi na raw siya kumportable nang medyo dumarami ang nakiki-swimming sa kanya, kaya nauna na raw siyang umahon, nagbanlaw at nagbihis.

Hindi na raw siya nagtagal, kaya hindi na raw siya inabot ng gabi.

Iyong dalawang kaibigan lang daw niya ang kilala sa party na iyon, at hindi na raw niya alam kung ano na ang nangyari pagkatapos niyang umalis.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with