^

PSN Showbiz

Star Cinema tuloy ang mga pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw totoo ang kumalat na balitang lilipat na sa TV5 si Bea Alonzo, kahit na nga pinapayagan na ang mga contract star ng ABS-CBN na lumabas sa ibang channel dahil sa sitwasyon nila ngayon. Bagama’t marami ang umaasa na pagdating ng proposed franchise sa plenaryo ay baka makalusot iyon, may balak na naman si Congressman Boying Remulla na ipa-contempt ang network dahil sa diumano ay “hindi pagsasabi nang totoo sa congress”.

Ganoon pa man, ano man ang sabihin nila, wala pa naman sinasabing opisyal si Bea na hindi siya aalis sa ABS-CBN.

Kung sabagay, marami pa nga namang magagawa. Kung sakaling mag-stay siya sa ABS-CBN, may film company pa naman ang network at hindi naman iyon affected ng franchise issue. Maaaari rin namang maging content producer ang ABS-CBN at mag-block time sila sa ibang networks, dahil sila ang may pinaka-kumpletong facilities, lalo na sa digital materials.

Kaya puwedeng may point si Bea. Manatili man siya sa ABS-CBN, hindi mawawala ang kanyang career, after all isa siya sa mga star na “kumikita” at dahil doon bakit naman siya pababayaan?

Siguro kinikilala rin namang utang na loob ni Bea iyong hindi rin siya pinabayaan ng kanyang network sa panahong nasangkot siya sa mga controversy. Binibigyan siya ng proteksiyon, na tama lang namang gawin ng kahit na sino para sa isang box office star na gaya niya.

Naku, hintayin kumpirmahin ni Bea na hindi siya tatanggap ng project sa ibang network. ‘Wag nating pangunahan dahil wala pa naman siyang opisyal na sinasabi.

Tatay ni Angelika maraming naging kaibigan

Napakaraming mga artista ring nakasama ng kanyang mga anak na sina Angelika dela Cruz at Mika, ang nakiramay nang mabalitaang yumao na nga ang kanilang amang si Ernie dela Cruz noong Sabado, matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa ospital. Walang sinabi kung ano ang kanyang ikinamatay at kung kailan ang libing o iki-cremate ba.

Marami ring kaibigan si Ernie sa showbiz, lalo na sa mga movie repor­ter na noon ay siya ang madalas na kakuwentuhan tungkol sa kanyang mga anak. Naging aktibo rin siya sa pakikipag-usap sa ibang mga artista dahil sa mga Santacruzan sa kanila sa Malabon.

Photo ng isang male star sa mañanita, kalat sa social media

Nakita namin ang picture ng isang male star na nasa isang party na walang suot na face mask at kadikit ng iba pang mga nasa party. Akala nga namin lumang picture iyon hanggang sa mabasa namin sa mga comment na ang party pala ay ginanap last week lamang.

Kamakailan lamang, nahuli na si KC Montero at ang kanyang asawa dahil sa ganyang party rin na walang social distancing at walang face mask. Talaga naman kasing ipinagbabawal iyan. Ngayon maaari na ka­yong hulihin, at ang mga posts na iyan sa social media ang siyang ebidensiya mismo ng paglabag ninyo sa batas.

Mahihirapan kayong mangatuwiran na iyan ay isang “mañanita” lamang kahit na mag-video pa kayong kumakanta ng De Colores.

 

vuukle comment

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with