^

PSN Showbiz

JaDine nagsasama na naman sa isang bubong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JaDine nagsasama na naman sa isang bubong
Jadine

Reliable ang nagparating ng kuwento sa aming nagkabalikan na nga raw sina James Reid at Nadine Lustre. Hindi ito ang unang beses na nabalitang nagkabalikan sila ngayong panahon ng quarantine.

Marami na ang nagdududa na okay na naman sila uli nang makita silang magkasama sa isang party sa Makati noong bago pa mag-ECQ.

Mukhang ilang buwan lang ang breakup at nagkaayos din naman. Ang latest na ipinarating sa amin ay nagsasama na naman daw sila sa iisang bubong.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi na ginawa ni Nadine ang action seryeng Burado na naging Walang Hanggang Paalam na ang title?

Magbubunyi nito ang JaDine fans kung totoo man ito.

Sana magiging katulad sila nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na mas lalong lumalim ang relasyon pagkatapos nilang magkabalikan.

FDCP itinangging dinidiktahan ang new normal set up sa taping at shooting

Ipinaliwanag ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra na hindi nila sinasakop at kinu-control ang mga project na ginagawa sa pelikula at TV, kundi para sa kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa isang produksyon lang ang gusto nilang ipatupad.

Nakapanayam siya sa programa ni Cesar Chavez sa DZRH noong nakaraang Sabado at inilatag niyang itong FDCP-DOH-DOLE Joint Administrative Order No. 2020-001 ay nagbibigay ng guidelines sa health and sanitary protocols habang gumigiling ang kamera sa paggawa ng pelikula at TV shows.

Hindi raw sila makikialam sa script o kung ano ang gustong ilahad sa gagawin nilang movie project, kundi ang concern lang daw nila ay ang kalagayan ng mga nagtatrabaho sa set.

Aniya, “We are not requiring scripts. Hindi po tayo manghihimasok sa content. Gusto po lang natin malaman, nasaan po ang productions na ito, para po kung meron po tayong COVID, na sana po huwag naman mangyari sa isang production, madali pong matutulungan ng gobyerno.”

Kinu-cover nito mula sa pre-production, production hanggang sa post-production para mabigyan lang daw ng proteksyon ang lahat na nagtatrabaho.

Kinonsulta raw nila ito sa mga stakeholder, dahil nagsisimula nang magtrabaho ang ibang produksyon para sa iba’t ibang platforms.

“Ang tinitingnan po nating protocols dito ay ang pag-i-ensure ng safety ng workers natin, mula sa pinakamataas at pinakamaliit nating workers sa isang production site. Pagpasok nila sa isang production site, meron po tayong engineering controls, may hand washing station, may hand washing facilities, may sign-in forms,” saad pa niya sa nasabing interview.

Comedy bars performers kanya-kanyang hada na

Hindi lang sa basketball nag-champion si Arwind Santos ng San Miguel Beermen, kundi pati sa Bawal Judgmental ng Eat… Bulaga noong nakaraang Sabado.

Ang galing niyang makiramdam na madalas ay pinag-aaralan niya ang reaksyon at kilos ni Vic Sotto.

Mga stand-up comedian na nagbibida sa mga comedy bars ang choices, kaya ang saya ng balitaktakan nila. Pero nabahiran ng malungkot na kuwento ng mga komedyante dahil marami nga ang nagsarang comedy bars.

Kaya ang ilan sa kanila ay naiba na ang trabaho.

Nagtitinda ng mga pagkain, at kung anu-ano online. Pero ang iba ay talagang nagbabahay-bahay para magbenta ng mga pagkain.

Sabi nga ng comedy bar host na si Bigmouth, “Nagri-resell ako kasi kailangang-kailangan namin. Kailangan kong maging matatag kasi dalawa lang kami ng nanay ko, so ayokong bigyan pa siya ng stress.”

Ang iba naman ay itinuloy pa rin ang pagpapatawa pero online na lang. Mabuti na lang at ang dami na rin nilang mga kaibigang balikbayan, ang iba sa abroad kaya kahit paano ay nabibigyan sila ng tulong.

Walang nakakaalam kung kailan pa babalik sa normal, kaya ini-embrace na nila ang malaking pagbabago sa buhay nila na hindi na sila nakakapag-perform at magpapatawa sa entablado.

Congratulations kay Arwind Santos, ang kauna-unahang celebrity player na naka-perfect sa Bawal Judgmental ng Eat… Bulaga.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with