^

PSN Showbiz

Female personality na ‘yumaman’ sa namemeligrong network, ayaw makisali sa pakikipaglaban

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtataka-nagtatanong kung bakit tahimik ang isang sikat na female personality sa matin­ding indultong nagaganap ngayon sa bakuran na kanyang pinagseserbisyuhan.

Lantaran ang panawagan ng kanyang mga kasamahang artista na sana’y mabigyan pa ng pagkakataong makapagserbisyo ang kanilang kum­panya pero ang female personality ay parang nakikiramdam lang.

Pagpuna ng isang source, “Nakakapagtaka talaga ang pananahimik niya. Ang mga co-stars nga niya, e, halos makipag-away na sa pagtatanggol sa istasyon nila, pero itong si ____(pangalan ng female personality), e, parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari?

“Aba, dekada na siyang artista ng network, a? Pinakapal na nu’n ang bulsa niya! Napakalaki ng naitulong sa kanya ng na­memeligrong station ngayon!

“Pero bakit wala man lang siyang kaingay-ingay? Puwede ba namang nananahimik lang siya, pero panay ang wish niyang makabalik uli ang network sa ere?

“Hinihintay ng bayan ang stand niya, ang post niya, ang pakikipaglaban niya!” madiing unang komento ng aming impormante.

May nagtatanggol sa sikat na babaeng perso­nalidad. Gustung-gusto raw niyang sumigaw bilang pagdepensa sa kanilang network pero hindi niya ‘yun magawa dahil sa ilang restriksiyon.

Patuloy ng aming source, “May nakakakuwentuhan akong very close sa girl. Ang sabi nila, e, gustung-gusto na rin daw makipag-head-on ng female personality sa pagpo-post, pero hindi niya ‘yun magawa dahil sa mga pinirmahan niyang kontrata.

“Hindi raw siya puwedeng makihalo sa politics, ‘yun daw ang naka-stipulate sa mga contract na pinirmahan niya. Politics? Pulitika ba ang pagpapakita ng concern sa pinagtatrabahuhan niyang station?

“Saka teka muna, kung bawal talaga sa kanyang makihalo sa pulitika, e, bakit endorser siya ng isang pulitiko? Ilang beses na niyang ine-endorse ang politician na ‘yun, di ba?

“Kung talagang concerned siya sa mga nangyayari ngayon na apektado na ang maraming workers at mga kapwa niya artista, e, bakit hindi pa rin siya kumikibo?

“Tama bang sarado lang ang bibig niya? Makatutulong ba ang saradong pagsuporta? Ano ba naman ‘yun?” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Paglantad ng yaman ni Sharon, wala sa tiyempo

Sa pananaw ng mga kababayan nating sobrang problemado ngayon dahil sa pandemya ay parang saliwa nga sa tugtog ang paglalantad ni Sharon Cuneta sa blue print ng ipatatayo niyang mansiyon.

Para sa kanila ay parang mali ang tiyempo ng mga ginagawa ng Megastar. Ang pagpapakita niya sa publiko ng kanyang mga relong nagkakahalaga nang milyon.

At ito ngang mansiyon na kung ilandaang milyon din ang uubusing halaga sa pagtatayo, sa panlasa ng ating mga kababayang nagdarahop ay parang hindi tama ang paglalantad ni Sharon, pinalipas na lang daw muna sana niya ang pandemya bago niya ibinalita ang kanyang pagiging rich and famous.

May mga namba-bash ngayon kay Sharon, kesa raw sa magmayabang siya ay tumulong na lang siya sa mga Pilipinong hindi na malaman ang gagawin, ibahagi na lang daw niya ang sobra-sobra sa kanyang kayamanan sa mga kababayan nating halos mabaliw na sa kahirapan.

Kinokontra namin ‘yun dahil alam namin ang palihim na pagtulong ng Megastar sa mga nangangailangan nating kababayan, hindi lang niya ‘yun ipinagmamakaingay, pero sobrang dami na niyang natulungan at nabiyayaan mula sa kanyang bilyones.

Sa panahong ito ng pandemya ay maaasahan nang maraming papansin-kokontra sa mga inilalabas ni Sharon sa kanyang account. Malalim nga kasi ang sugat ng bayan dahil sa COVID-19, libu-libo ang nawalan ng trabaho, pagkatapos ay heto naman si Sharon na ang ikinukuwento sa kanyang post ay ang ipatatayo niyang mansiyon.

Tiyempo lang ang mali kung tutuusin, pero kaligayahan niyang ibalita na mula sa kanyang pagsisikap ay isang bagong propyedad uli ang kanyang ipinupundar, perang pinaghirapan niya ‘yun na hindi niya naman hangaring mang-inggit at mangmaliit ng iba kundi masayang-masaya lang siya na may ki­nauwiang maganda ang kanyang pagsasakripisyo.

Saka pera niya ‘yun, ilang dekada niyang pinag-ipunan ang anumang meron siya ngayon, wala siyang tinapakan at sinagasaan sa pagkakamal ng kanyang bilyones.

Tiyempo lang ang mali, pero ang layunin at motibo ay maganda, may krimen ba du’n?

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with