^

PSN Showbiz

Pelikula nina Nathalie at Ryza, sa isang taon na itutuloy

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, kung hindi siguro nag-lockdown dahil sa COVID-19 pande­mic, baka tapos na ang shooting ng Kunwari Mahal Kita movie nina Nathalie Hart, Joseph Marco at Ryza Cenon under Viva Films.

Five shooting days na lang kasi ang pelikulang ‘yon, pero natigil nga sila dahil sa lockdown.

Ang problema ngayon, malaki na ang tiyan ni Ryza dahil five months preggy na siya at mukhang malabong mag-resume kaagad sila ng shooting.

Kahapon, ka-chat ko si Nathalie sa pamamagitan ng Facebook Messenger app at tinanong ko siya kung aware ba siyang buntis si Ryza?

“Yes, Tito Jun, aware na ako at nag-congratulate ako kay Ryza!” sabi ni Nathalie.

So, paano na ang pelikula nilang Kunwari Mahal Kita, hindi ba noong una ay magre-resume na sana sila ng shooting sa Bataan?

“Naku, baka not this year na siguro, Tito Jun. Besides, may pandemic pa naman. May virus pa,” sey ni Nathalie na mukhang hindi na nga umaasang makakapag-shooting pa sila habang buntis si Ryza.

Saka sa dialogue ni Nathalie na may pandemic pa, mukhang takot din naman siyang bumalik kaagad  sa trabaho dahil enjoy pa siya sa bonding nila ng anak niyang si Penelope.

Oo nga pala, nang aminin ni Nathalie na buntis siya noon, katatapos lang niya ng shooting ng Abay Babes ng Viva Films.

Kasama niya sa pelikulang ‘yon si Cristine Reyes at napansin nito na buntis nga siya habang sinu-shooting nila ang pelikula.

Ang bongga lang na hindi na-delay ang shooting ng Abay Babes, kaya natapos nila ‘yon na hindi pa lumalaki ang tiyan ni Nathalie.

PANDAY BINALIK NG TV5

Katsikahan ko si Annabelle Rama noong isang gabi.

She’s not feeling well dahil nag-LBM daw siya, kaya nagre-rest lang siya. “Nanonood ako ng Ang Panday sa TV5,” sey ni Bisaya.

Si Bisaya nga ang nagkuwento sa akin na nire-replay tuwing gabi sa TV5 ang nasabing fantasy series ng anak na si Richard Gutierrez.

The whole day, maraming old shows/series nila ang nire-replay ng TV5 dahil wala rin naman silang masyadong sports shows na ipinapalabas ngayon.

Mukhang like Bisaya, marami ring ibang tumututok sa replays ngayon ng TV5.

Oo nga pala, maraming viewers ang excited sa sinasabing maraming shows na ilo-launch ang TV5 ngayong buwan ng July.

May isang TV executive nga ng Singko ang nag-post ng taping ng isang bagong magazine show nila.

Isang kilalang journalist daw ang host ng magazine show na ‘yon, pero bawal pang sabihin.

Mukhang si Kris Aquino naman ang magi­ging pambato ng TV5 sa new weekly show nito na magpa-pilot telecast daw sa July 25.

Tama ba na mas makikilala na ang TV5 bilang ONEtv at #ONEderful na ang bagong tag nila?

Well, ang bongga, nae-excite na ako sa pag-aabang, Ateng Salve, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with